Autograph

31 3 0
                                    

Tagumpay uli ang koponan ni Jerome sa naging tatlong laban nila sa iba't ibang lugar. Ang kanyang naging kontrobersiyal at pangit na laro ay tuluyan ng natabunan ng mga papuri nang muli na naman siyang nagpamalas ng kahusayan sa kanyang mga huling laban.

 

Nakangiting  pumasok sa kanyang apartment si Jerome. Limang araw syang nawala kung kaya't ganun na lang ang pagkasabik nya sa kanyang pinakapribadong lugar. Agad niyang ibinaba ang dalang backpack at nahiga sa sofa. Matapos makapagpahinga ng ilang minuto ay bumangon siya upang buksan ang kanyang dalang bag. Inilabas nya dito ang iba't ibang bagong biling mga video games at ganadong naglaro mag-isa.

Ganito ang kinagawian niya kapag umuuwing panalo mula sa mga road games samantalang kapag hindi naman nagiging maganda ang resulta ng laban ay agad-agad siyang umaakyat sa rooftop para mag-ensayo at pag-aralan ang mga naging pagkakamali nya.

 

Ding dong.

Nasa kasarapan siya ng paglalaro. Malapit na syang maglevel-up. Tatapusin nya muna ito bago pagbuksan ang pinto.

Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.


Wala siyang nagawa kundi i-pause ang nilalaro para pagbuksan ang makulit na nasa pintuan. Pagbukas niya ay nagulat siya sa di inaasahang nag-doorbell. Ang bagong kapitbahay!

 

Tiningnan ni Sandra ang nagbukas sa kanya ng may blankong reaksiyon. Magiliw siya nitong binati ng may mga ngiti sa mukha. Hinihintay nito ang kanyang sasabihin ngunit hindi niya ito pinansin sa halip ay sumilip siya sa nakaawang na pintuan upang hanapin ang kaibigan ng kaharap nya.

 

"Nasaan yung kasama mo?" tanong niya.

 

"Wala sya ngayon dito, miss."

 

Naisip niyang ibigay na lang sa kaharap ang mga librong may autograph ni Jessica ngunit naalala nya ang pakiusap ng kaibigan nito na ilihim dito ang tungkol sa mga libro.

  

"Kelan sya babalik?"

  

"Bukas pa ng gabi."

 

Muli siyang napaisip. Abala siya kinabukasan. Marami siyang nakaplanong gagawin. Napilitan siyang iabot na lamang ang bitbit na paper bag sa kaharap. Tinanggap naman ito nang naguguluhang lalaki nang hindi inuusisa ang laman ng paper bag.

 

"Pakisabi na lang sa kaibigan mo na hindi ko matutupad ang ikalawang hiling nya."


Tatalikod na sana siya ngunit bigla syang may naalala.

 

"Akala ko ba masugid kang tagahanga ni Jessica bakit kulang ka ng isang libro?" 

 

Halatang hindi naintindihan ng kaharap ang ibig nyang sabihin. Hindi na siya nagpaliwanag pa sa halip ay tuluyan niya na itong tinalikuran. Habang naglalakad ay narinig nya ang pagsarado ng pintuan ng kapitbahay at ilang sandali lamang ay naulinigan nya na itong nagsisisigaw sa tuwa. Napahinto siya ng ilang saglit  at napangiti. Hindi niya maitatangging lumulundag din ang kanyang puso sa tuwing nakakakilala ng taong nagmamahal sa mga libro ng kaibigan.


                                                                       -------



Chrysler Building, 37th floor, Lexington Avenue. Isa sa mga tanyag na gusali sa New York City.


[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon