Katotohanan at Pagkukunwari

29 1 3
                                    

"Iwasan mo ang pakikipagkita kay Clark Montecastro!"  matigas na utos ni Jessica.

 

"Pagkatapos ng matagal mong di pagdalaw, nagpunta ka ba ngayon para lang sabihin sa akin ang bagay na yan?" mahinahong sagot ni Sandra habang nakatingin sa bintana.

"Ginagamit ka lang ng lalaking yun! May hindi magandang pinaplano ang taong iyon tungkol sa akin."

Tumingin ng diretso si Sandra sa mga mata ng kaibigan.

 

"Naniniwala ka ba talaga na may taong pwedeng manggamit sa akin? Dahil sa pagkakatanda ko, sa buong buhay ko isang tao lang ang pinapayagan kong gamitin ako"


Tumahimik sandali si Jessica. Iniwas nito ang mga mata sa kausap.

"Iniisip ko lang ang makakabuti para sayo. Bakit ka ba lumalapit sa kanya at parang ipinagtatanggol mo pa ang lalaking yun?"

 

"Kung may dahilan ka para magalit sa kanya, may dahilan din ako kung bakit ko sya nilalapitan."

"At ano ang dahilan na yon para tanggihan mo ang simpleng hiling ko sayo?!"

 

"Dahil kaibigan ko siya..."

 

Natawa si Jessica sa narinig.

 

"Ka-kaibigan? At kailan ka pa nagkaroon ng ibang kaibigan?"

 

"Kaibigan ko siya noong mga panahong wala ka... Isa siya sa mga taong pansamantalang nagbigay ng ngiti sa buhay ko noong mga panahong nabubuhay ako sa bangungot.... Sya ang nagsilbing Jessica sa akin noong mga sandaling wala ka."

 

Hindi matanggap ni Jessica ang sinabi ni Sandra. Ayaw nyang maniwalang may malalim na pinagsamahan ang taong kasalukuyan nyang kinamumuhian at ang kaibigan nya. "Matagal na yun Sandra! Ibang tao na ngayon si Clark Montecastro! Hindi ka nakakasigurong malinis ang intensyon nya sa muling paglapit nya sayo ngayon! Hindi ako papayag na magamit ka nya! At lalong lalong hindi ako papayag na muli kang mapalapit sa kanya!" galit na wika niya.

 

"Bakit?" mahinahon pa ring tanong ni Sandra.

 

"Dahil nag-aalala ako para sayo! Dahil ayokong masaktan ka!"

"Yan ba talaga ang totoong dahilan? O dahil may unti-unti ka na namang kinakatakutan?"

 

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit si Sandra sa kaibigan at tinitigan ito sa mga mata. "Dahil ba sa iyong mga takot kaya ibinabalik mo rin ang mga bagay na kinatatakutan ko? Kaya mo ba nagawa sa akin yun? Kaya mo ba nagawa yung nangyari sa music lounge?" matigas ngunit mahinang tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Biglang namutla ang mukha nito at hindi magawang magsalita.


"...Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ka nang dapat ikatakot... Wala akong babawiin at lalong wala akong kukunin...dahil ako mismo ay hindi papayag na may mawala sayo. Kaya kung may kinakatakot ka sa pagiging malapit ko kay Clark ay burahin mo na dyan sa dibdib mo dahil hinding-hindi mangyayari ang mga pinangangambahan mo."

Agad  na kumawala sa pagkakatitig si Jessica at sarkastikong tumawa. "Hah! Oo nga pala. Bakit nga naman pala ako magpapakamatay sa pag-aalala para sayo. Ikaw nga pala ang dakilang si Sandra! Magaling sa lahat ng bagay. Eh ano ngayon kung lumapit sayo si Clark Montecastro? Eh ano ngayon kung subukan ka nyang paibigin? Dapat nga pala ay matuwa pa ako at pagtawanan siya...Dahil ang taong pag-aaksayahan nya ng oras ay isang tao na kaylanman ay hindi marunong magmahal!... Isang tao na namumuhay sa ibang pagkatao!....Isang uri ng tao na pag minahal mo ay isa lang ang isusukli sayo....sakit at pagdurusa!" Pagkatapos magbitiw ng masasakit na salita ay tinalikuran niya si Sandra. Nagmamadali siyang umalis at pabulagsak niyang isinara ang pinto.

[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon