Pahiram ng sandali

35 1 0
                                    

                                                                  ******

Malapit nang tumulo ang mga luha ni Jessica. Buong araw niyang sinusubukang tawagan si Jerome ngunit nananatiling sarado ang telepono nito. Wala na siyang mapaglagyan ng kaba. Para siyang matutumba sa tuwing naiisip na baka kasama nito si Sandra.

Wala siyang makausap. Patay ang telepono ng kasintahan. Sarado ang telepono ng kaibigan. Paulit-ulit niya ring sinubukang tawagan si Clark ngunit palaging busy ang numero nito. Hindi siya makalabas ng opisina. Silang dalawa na lang ni Mylene ang natitira dito. Wala siyang pwedeng madaanan. Lahat ng maari niyang labasan ay may nakabantay na mga reporters. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang sasabihin.


"Ma'am anong gagawin natin? Dito na ho ba tayo matutulog? Kailangan makapag-isip tayo ng paraan dahil hindi rin aalis ang mga yan hangga't hindi kayo nakikitang lumabas."


Wala siyang maisip. Hindi niya alam maging kung ano ang uunahin sa mga nararamdaman. Ang magalit dahil sa pagsisinungaling ng kasintahan tungkol kay Sandra. Ang masaktan dahil baka magkasama ang dalawa. Ang kabahan dahil nawawala si Jerome. Ang maiyak dahil pinabayaan siya nito. Ang mahiya dahil sa eskandalo. Hindi niya alam. Malapit na siyang maghisterya sa nangyayari.


Biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Clark! Tumatawag si Clark. Natataranta siyang sumagot.

"Clark kasama mo ba si Sandra?"


"Hindi Jessica."


"Nakausap mo na ba siya."


"Hindi rin...."


"Alam mo ba kung nasaan siya? Kung sino ang kasama niya?"


Hindi kaagad sumagot si Clark... Alam niya ang lahat. Umamin sa kanya si Vicky sa mga totoong nangyari.

"Hindi...Jessica."


"ANONG KLASE KANG BOYFRIEND?!!! BAKIT WALA KANG ALAM! BAKIT HINAHAYAAN MONG MANGYARI ITO KAY SANDRA?! BAKIT HINAHAYAAN MONG AGAWIN SIYA NG IBANG LALAKI! WALA KANG KUWENTANG LALAKI!!!!"


"Ma'am huminahon kayo. Baka naman nag-iisip lang si Sir Jerome ng tamang solusyon sa problema kaya nagpatay muna ito ng telepono."


Tumulo na ang mga luha ni Jessica. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi niya na mapigilan ang damdamin. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong.


Biglang nagbago ang tono niya. "Clark wag mo munang ibaba please..."

"Andito pa ako..."

 

"Tulungan mo ako. Hanapin natin sila. Gawin mo lahat ng paraan. Gamitin mo lahat ng koneksiyon mo. Parang awa mo na ibalik mo sa akin si Jerome. Tulungan mo ako Clark!"

 

" Nasaan ka ngayon?"

 

"Na-nasa opisina ako. Hindi ako makalabas dito."

 

"Susunduin kita dyan."

 

"Si-sige.."

 

"Jessica,...ibigay mo sa akin ang plate number ng sasakyan ni Jerome."

 

"Si-sige."

 

"Bye."

 

[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon