Masamang Panaginip

34 1 0
                                    

Mabilis na tumatakbo sa loob ng isang madilim na tunnel ang anim na taong gulang na batang si Sandra.

Umiiyak sya ng malakas habang hinahabol ng isang lalaki. Mabilis siyang tumakbo at umaasang makakalabas sa loob ng madilim na lugar na kinaroroonan. Pagod na sya at gusto niya nang tumigil subalit tuloy pa rin sa paghabol sa kanya ang isang misteryosong mama.

Nakakita siya ng liwanag sa dulo ng tunnel kung kaya't dobleng binilisan nya ang pagtakbo. Subalit nang marating nya ang maliwanag na lugar ay nagulantang sya sa nakita. Nakahimlay sa damuhan ang duguang katawan ng kanyang mga magulang at  ang lalaking naghahabol sa kanya.

"Mama, papa... gumising kayo."

Niyugyog niya ang katawan ng mga magulang ngunit nanatili lamang nakahandusay sa damuhan ang mga ito. At habang humahagulhol ay muli na namang dumilim ang paligid, napansin niyang nasa loob na naman siya ng isang tunnel.

Tumayo siya upang muling tumakbo ngunit ng mga sandaling iyon ay hindi niya na maigalaw ang kanyang mga paa. Kailangan nyang makaalis! Nanlaki lalo ang kanyang mga mata nang makita ang isang binatilyong may duguang mukha. Papalapit ito sa kanya habang tinatawag ang kanyang pangalan.

Hindi pa rin siya makagalaw kaya wala siyang nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw...


"AAAAAAHH!"


Napabalikwas ng gising ang sumisigaw na si Sandra. Tumutulo ang kanyang mga luha at pawisang-pawisan ang noo. Nanghihina syang tumayo at dahan-dahang lumabas ng kwarto upang kumuha ng maiinom na tubig. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Binuksan nya ang lahat ng ilaw habang walang humpay sa pag-inom ng tubig.

Pabalik-balik siyang naglakad sa sala habang pilit nilalabanan ang takot. Kinuha nya ang kanyang telepono para tawagan si Jessica ngunit hindi ito sumasagot. Matagal na syang hindi nanaginip ng masama kung kaya't muli na naman syang nag-aalala sa sarili.

Napatingin sya sa orasan, alas onse pa lamang ng gabi. Nang mapagtanto niyang hindi  pa rin naiibsan ang kanyang takot ay naisipan niyang lumabas at magpahangin. Dali-dali syang bumalik sa kuwarto, kumuha ng isang hoodie jacket at nagsuot ng rubber shoes. Hindi na nya naisipan pang palitan ang suot nyang t-shirt at sweatpants.

Napagpasyahan nyang pumunta ng rooftop. Alam nya na sa ganitong mga mamahaling condominium ay kadalasa'y may magagandang rooftop. Nang marating ang naturang lugar, ay bumungad sa kanya ang isang malaking swimming pool na may iba't ibang kulay ng ilaw sa ilalim ng tubig.


Tahimik at walang tao dito. Dahan-dahan nyang binaybay ang magara at malawak na lugar. Isa-isa nyang hinahawakan ang bawat halamang madaanan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang halos kabuuan ng New York. Kung gaano kadilim ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay sya namang ikinislap ng makukulay na ilaw ng lungsod. Itinigil niya ang paglalakad at muling inisip ang panaginip.


"Hindi na ulit mangyayari ito, hindi na ulit mangyayari ito," paulit-ulit nyang bulong sa sarili.


Lumuwag ang kanyang pakiramdam nang biglang umihip ang malamig na hangin. Tumama ito sa kanyang mukha. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.


Wala pang isang oras ng pagpapahangin ay naisipan niya nang bumalik sa kanyang unit ngunit nang papaalis na sya ay nakarinig sya ng mga pagkaluskos. Nagmumula ang ingay sa gym na matatagpuan sa bandang dulo ng rooftop. Pinuntahan niya ang lugar upang mangusisa. Sumilip muna sya sa nakaawang nitong pinto bago pumasok.


Magaganda at mukhang mga mamahalin ang kagamitan sa gym. Regular din syang nagwowork-out maliban na lang kung puyat, kaya't natutuwa syang malaman na meron na syang mapupuntahan.


[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon