The Proposal

26 1 0
                                    

Inilabas ni Sandra ang isang nakatagong make-up kit na bigay ni Jessica. Naupo siya sa harap ng dresser. Tinitigan ng mabuti ang kanyang mukha sa salamin. Tinanong ang sarili. Paano nga ba ang maging isang normal na dalaga sa ganitong uri ng lungsod?

Pinahiran niya ng foundation ang mukha. Ginuhitan ang kilay, nagblush-on, pinahiran ng pulang lipstick ang kanyang mga labi at naglagay ng maskara sa kanyang mahahabang pilikmata. Inayos ang kanyang buhok at nilagyan ito ng kumikinang na ipit.

Matapos ayusan ang mukha ay pumunta ang dalaga sa closet. Nagsuot siya ng isang itim na bestida. Hapit ito sa katawan, may maliliit na strap at may kaiiksian kung kaya't lumutang dito ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kitang-kita rin ang mahabang leeg, pang modelong hugis ng balikat at makikinis at mahahabang hita nito.

Umikot si Sandra sa harap ng salamin at nang magustuhan na ang kanyang itsura ay kinuha nya ang isang pares ng itim at kumikinang na sapatos na may matataas na takong. Nagpraktis muna siya ng ilang minuto sa tamang paglalakad gamit ang mataas na sapatos. Bumalik siya sa dresser at naglagay ng malalaking hikaw.

Kinuha niya ang isang silver clutchbag. Nagsuot ng itim na handgloves upang takpan ang medyo sariwa pang pilat sa kamay. Naglagay ng pera sa wallet. Pinatungan ng puting coat ang maiksing damit at saka lumabas ng bahay. Pagkababa ng lobby ay tumawag siya ng taxi.

"Saan po tayo Ma'am?"

Nag-isip muna si Sandra. Saan nga ba sya pupunta?

"Manong dalhin nyo ako sa kahit anong sosyal at malaking music lounge."

Habang nasa taxi ay naghanda siya ng isang maliit na papel. Susulatan nya ito ng mga bagay na dapat nyang tandaan ngunit nang mapag-isip ay bigla nya itong ginusot. Bakit nga naman sya magsusulat pa eh kaya nya namang matandaan ang lahat?

Maya-maya pa ay inihinto sya ng taxi sa isang maganda at mukhang mamahaling music lounge. Ilang beses muna siyang huminga ng malalim bago pumasok at paulit-ulit na sinabi sa sarili.


"Sandra para ito sa ikagaganda ng sinusulat mo!"


Pumasok siya sa bar. Ginaya niya ang ang tindig at lakad ng mga sosyal at eleganteng modelo. Binati kaagad sya ng isang waiter at sinuklian nya naman ito ng isang matamis na ngiti. Inihatid sya sa isang bakanteng table na pangdalawahang tao. Habang naglalakad ay napapatingin sa kanya halos lahat ng mga kalalakihan.

Maganda at malaki ang lugar. Hindi gaanong maingay. Acoustic ang pinapatugtog dito at merong live performer na kumakanta sa entablado. Bago maupo ay hinubad niya ang suot na coat at isinabit ito sa likod ng silya. Nanlaki lalo ang mga mata ng kalalakihan nang masilayan ang katawang may hapit na kasuotan. Pagkaupo ay malambing na tinawag niya ang waiter at omorder ng isang bote ng red wine.

                                                                -----

"Mr. Tan andito na ako sa harapan ng sinasabi mong bar. Anong room nga?"

Masigla at excited si Jerome sa gabing iyon. Makikipag-meeting sya sa isang kumpanya na gustong maging major sponsor sa itatayo nyang foundation. Masaya sya na unti-unti na ring matutupad ang isa niya pang pangarap. Kailangan pagbutihin nya ang paglalahad ng kanyang mga plano para lalo itong makumbinsi.

Pumasok siya sa nasabing lugar at hinanap ang tinutukoy ng kausap na VIP room. Pagdating nya ay naghihintay na doon si Mr. Tan.

"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako nag-alala na baka mauna pa sayo ang sponsor."

Nakangiting naupo ang basketbolista sa tabi ng kanyang agent.

"Syempre hindi ako mali-late, napakaimportante sa akin ng meeting na to..."


[SPG] FAST BREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon