Maawa ka Sandra! Tanggapin mo na si Harris! Parang awa mo na..."
Nagmamakaawa ang umiiyak na si Jessica habang pinipigilan ang kaibigan na wag lumabas ng gate ng eskwelahan.
Napatingin si Sandra sa isang lalaking nakatayo sa rooftop. Pinagkakaguluhan at pinagtitinginan ito ng mga nag-uumpukang nakatingalang estudyante. Walang reaksyon ang mukha niya sa nakikita. Hindi sya naniniwalang tatalon ang kamag-aral ng dahil lamang sa kanya. Ibinaling ulit niya ang mga mata sa kaibigang mahigpit na nakahawak sa kanyang uniporme.
"Paano ko tatanggapin ang isang taong umiwan sa kaibigan ko para lang ipagpalit ito sa ibang babae? Papano ko tatanggapin ang isang lalaking nanakit sayo?"
Tumalikod siya para lisanin na ang eskwelahan ngunit mahigpit na hinawakan ni Jessica ang dulo ng palda niya habang napapaluhod na ito sa lupa.
"Parang awa mo na...Balewala ang ginawa nya sa akin Sandra. Huwag mo akong isipin, tanggapin mo lang sya." walang tigil pa rin sa pag-iyak si Jessica.
"Ganito ba ang sinasabi mong pagmamahal Jessica? Sa ganitong paraan ba dinadaan para makuha ang tinatawag nyong pag-ibig?"
Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kaibigan sa kanyang uniporme. Tiningnan niyang muli ang lalaki sa rooftop ng may matigas na mukha at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Wala kang puso Sandra! Hindi ka marunong maawa! Wala kang alam sa pagmamahal! KINASUSUKLAMAN KITA! PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY HARRIS, HABAMBUHAY KITANG KASUSUKLAMAN!!!" galit na galit na sigaw ni Jessica.
Napahinto siya sa huling sinabi ng kaibigan.... Hindi nya kayang kamuhian sya nito.... Hindi nya kayang magalit ang pinakamahalagang tao sa buhay niya...
Bumalik sya at tuluy-tuloy na naglakad patungo sa gusali. Umakyat papuntang rooftop. Dahan-dahan syang lumapit sa lalaki. Blanko ang kanyang mukha habang inaabutan ito ng kamay.
Wala man syang naiintindihan, ngunit nakahanda siyang ibigay anuman ang hinihingi nito sa kanya alang-alang kay Jessica.
Papalapit ng papalapit siya sa lalaki ngunit bago pa man maglapat ang kanilang mga kamay ay nawalan ito ng balanse.....at sa harap mismo ng mga nanlalaking mata niya ay nahulog ang inaabutan nya ng kamay...
Nanginig ang buong katawan niya, tumutulo ang kanyang mga luha sa takot, umiikot ang buong paligid habang ang tanging naririnig nya ay ang palahaw na iyak ng kaibigan...
------
Kumakanta-kanta si Vicky habang naglilinis sa harap ng coffee shop. Pinupunasan niya ang isang table na inupuan ng kakaalis lang na mga kustomer. Natigilan siya sa ginagawa nang biglang may pumaradang isang pamilyar na sports car. Inusisa niya ito. Bumaba ang salamin ng bintana ng kotse at laking gulat niya nang makilala si Jerome Hernandez. Kinawayan siya ng basketbolista at walang pagdadalawang isip na lumapit siya dito.
"Ate, nandyan ho ba si Sandra?"
Nabura ang mga ngiti niya sa mukha. Paano nalaman ng sikat na binata ang pangalan ng kasamahan niya? Bagama't nagtataka ay sinagot niya pa rin ito. "Oo, bakit mo siya hinahanap?"
"Pwede ko po kaya siyang makausap?"
"Sandali, tatawagin ko lang sya. Ahh, kung pumunta ka dahil sa ilong nya. Okay na matagal na itong magaling."
Bumalik si Vicky sa loob ng tindahan. Nilapitan niya ang kasamahan na noon ay abala sa pagkuha ng mga order ng mga kustomer. "Ako na dyan Sandra. May naghahanap sayo sa labas." sabay nguso niya sa direkyon ng kotse ni Jerome.
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...