Kaharap ng matandang kahero at ng serbidora si Sandra. Nakatitig ang mga ito sa dalagang bitbit ang papel na may nakasulat na 'Wanted Helper'. Nagdududang tiningnan ng mga ito ang babae mula ulo hanggang paa.
May magandang mukha, hanggang tenga ang buhok, nakasuot ng pulang bonnet, naka kulay asul na denim jacket, itim na t-shirt, itim na leggings na may nakaibabaw na medyo sira-sirang maong na short, pulang rubber shoes at nakasuot ng body bag.
"Sigurado ka bang mag-aapply ka bilang helper?" tanong ni Mr. Castro, ang kahero na sya ring may-ari ng coffee shop.
"Oho." nakangiting sagot ni Sandra.
"Marunong ka bang maghugas ng pinggan, mamalengke, magluto at maglinis?" tanong ulit ng nagdududang may-ari.
"Oho, marunong po ako."
" Bakit gusto mo ng ganitong trabaho? Ano ba ang natapos mo sa pag-aaral?"
"High school lang po ang natapos ko. Bata pa po kasi ako nang maulila. Mag-isa na lang po akong bumubuhay sa sarili ko kaya kaylangan ko ho ng mapagkakakitaan." nagpapaawang sagot ng dalaga.
"Sige na boss tanggapin nyo na. Mag-isa na lang pala sya sa buhay. Kawawa naman. Maganda at bata pa naman baka mag-isip yan mag-apply sa mas madaling kumita ngunit masamang trabaho." wika ng serbidora habang awang-awa bigla sa kanina lang ay pinagdududahang aplikante.
"Sige tatanggapin kita pero maaring pansamantala lang ito. Titingnan ko muna kung papaano ka magtrabaho."
"Talaga! Naku, salamat po huwag ho kayong mag-alala masipag po akong tao!"
-----
"ANO MAGTATRABAHO KA BILANG HELPER??!!! Sandali lang Sandra. Ano bang nangyayari sayo? Nang mapunta ka ba dito sa New York ay naiwan mo sa eroplano ang utak mo?" nanggagalaiti sa inis na bulalas ni Jessica habang kausap sa telepono ang kaibigan.
"Kailangan ko ang trabahong ito. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Ba't bigla-bigla na lang ay parang 360 degrees naman yata ang pagbabago mo?... Teka nga Sandra, aminin mo nga sa akin! Ano ba talaga ang ipinunta mo dito sa New York?"
Matagal bago sumagot si Sandra.
"Magsulat ."
Natigilan si Jessica sa narinig.
Nakaramdam siya ng panghihina.
Bigla niyang ibinaba ang telepono nang hindi nagpapaalam sa kausap.
Hindi nagbago ang kanyang kaibigan...walang pagkakaiba... sya pa rin ang dating Sandra na kilala nya.
Napaisip siya ng malalim. Hindi siya mapakali sa narinig. Pabalik-balik siyang naglakad sa kanyang opisina at nang makitang papaakyat si Mylene ay agad siyang huminahon at nagkunwaring masaya.
------
Maghahating gabi na ay nasa kalye pa rin si Sandra. Namasyal siya pagkagaling sa inaplayang trabaho. Naisip nyang tingnan ang hitsura ng lungsod sa gabi. Gusto nyang makita ng malapitan ang iba't ibang kulay ng ilaw na napagmamasdan nya lamang mula sa kanyang mga bintana.
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...