Napatingin si Clark sa mukha ng girlfriend. Nakaramdam siya ng awa dito. Kadarating niya lang mula sa ilang araw na pagbisita sa Texas at ganito kaagad ang isinalubong nya dito.
"Patawarin mo ako Sandra. Patawarin mo ako kung ang lahat ng ito ay nararanasan mo ng dahil sa akin."
Tiningnan ni Sandra ng nakangiti ang mga mata ng binata at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga palad nito.
"Naiintindihan ko, huwag mo akong alalahanin. Kasama ito sa pagtanggap ko sa buong pagkatao mo, kasama ito sa pagtanggap ko sa pagmamahal mo..."
Maluha-luhang niyakap ni Clark ang kasintahan. "Gagawin ko ang lahat Sandra para kilalanin ka ng pamilya ko...Gagawin ko ang lahat upang irespeto ka ng ama ko. Hindi ako titigil...Ipinapangako ko...ipinapangako ko..."
*******************************************
[23] HILAW NA PAGLIMOT
*******************************************
******
Abala si Sandra sa pagkuha ng mga order ng mga nakapilang kustomer. Nakita niyang pumasok sa loob ng shop si Vicky mula sa katatapos lamang na paglilinis nito sa may labasan. May bitbit itong magarang bungkos ng mga bulaklak. Inilapag ito sa gilid ng counter ng kasamahan at hinintay siyang matapos sa pagkuha ng mga order bago ito nagsalita.
"Bakit parang napapadalas na bulaklak na lang ata ang dumadating ngayon. Mukhang bihira nang dumating ang nagpapadala?"
"Maraming trabaho si Clark, Miss Vicky."
Kinuha niya ang mga bulaklak at nakangiting inamoy-amoy ito. Pumasok siya sa kusina at inilagay ito sa pitsel na may tubig.
"Malapit na tayong magmukhang flower shop sa kapapadala ng bulaklak ng boyfriend mo. Ganyan ba talaga pag ubod ng yaman ang makakarelasyon mo?" dagdag na komento ng kasamahan.
"Hayaan nyo na. Dito na nga lang bumabawi yung tao. Buti nga naisisingit nya pa ito sa oras nya."
"Aba at ipinagpapasalamat mo pa yan. Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo sa hindi mo pagpili ng simpleng lalaki! Tingnan mo ang nangyayari nagmumukha ka lang may secret admirer sa lahat ng mga bulaklak na ito!" natigilan sa pagsasalita niya si Miss Vicky at tumingin ito sa kanya ng may nagliwanag na mukha. "Teka ba't ba hindi mo subukang magtrabaho sa kumpanya ni Clark para at least kahit papaano ay madalas na kayong magkakasama. Ang yaman-yaman ng boyfriend mo tapos nagtitiyaga ka pa ring magtrabaho dito. Tingnan mo nga ang mga bulaklak na iyan baka ang halaga ng isang bungkos niyan ay isang buwang sweldo mo na."
"Hindi ako nagtitiyaga dito. Mahal ko at masaya ako sa trabaho ko. Hindi porke't may relasyon na kami ni Clark ay magbabago na ang lahat sa buhay ko. Personal na buhay ko lang ang nagbago yun lang. At alam ni Clark yan, iginagalang niya ang mga bagay kung saan ako masaya. Ayaw na ayaw niyang isipin ko na may magbabago dahil lamang sa pera."
Tumahimik bigla ang katrabaho. Mukhang naantig ito sa sinabi niya.
"Alam mo mabait na tao naman talaga yan si Clark. Wala naman akong dudang mahal ka talaga niyan kaya lang kung ako ang nasa sitwasyon mahihirapan ako. Napaka-demanding ko pa namang girlfriend. Naninibago lang siguro ako kasi ngayon lang ako nakasaksi ng relasyon ng isang mahirap na babae at mayamang lalaki. Ah correction, hindi lang pala basta mayaman kundi ubod at saksakan ng yamang lalaki."
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...