Sa VIP Lounge ng isang mamahaling hotel ay matiyagang naghihintay si Jessica sa kanyang ka-meeting.
"Ang tagal naman ng kausap natin! Mag-iisang oras na silang late. My God! How dare them na paghintayin nila ang isang Jessica Lopez!" reklamo ni Mylene habang paulit-ulit nitong tinitingnan ang suot na relos.
"Anong oras ba talaga ang sinabi sayo?" naiinip na tanong ni Jessica.
"Ma'am mukha ko lang ang may diperensya pero ang pandinig ko, wala. Malinaw na malinaw na sinabi nilang alas-dos ng hapon. Mayaman lang sila pero hindi sila diyos!!! Malapit ng sumabog ang pantog ko sa dami na ng nainom kong ice tea!"
Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Mylene ngunit biglang umaliwalas ang hitsura nito kasabay ng pamimilog ng mga mata nang makakita ng isang gwapong-gwapong lalaking naglalakad papalapit sa kanilang direksiyon.
Papalapit ang isang matangkad na lalaki na mga nasa 5'11 ang taas. Hindi pa ito lalagpas ng trenta. Mestisuhin ang mukha, mapupula ang mga labi at mamula-mula ang mga pisngi. Halatang magaling at malinis manamit dahil sa hitsura nitong parang di-madapuan ng langaw. Nakabihis ito ng mamahaling itim na suit, makinang ang sapatos at nakaayos ang buhok. At nang ngumiti ay lumabas naman ang maganda at mapuputi nitong mga ngipin.
"Good afternoon Ms. Lopez! I am Clark Montecastro."
Inabot nito ang calling card kay Jessica at Mylene. Napanganga lalo ang dalawang babae nang malamang ito ang presidente ng Bluestar Books & Co. Umupo ang lalaki at nagsimulang magsalita nang hindi man lamang humingi ng despensa sa pagkaka-late.
"Well, siguro ay nagtataka kayo Ms. Lopez kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa namin nilalagay sa aming mga stores ang inyong libro. Ito ay sa kadahilanang ang aming kumpanya ay nagkakaroon muna ng kontrata sa mga author na may malalaking pangalan bago namin ibenta ang kanilang mga libro."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jessica.
Sumenyas ang lalaki sa kasamang tauhan para iabot nito ang isang folder sa manunulat. Tinanggap ito ni Jessica. Nakita niyang isa itong kontrata at sinimulan itong basahin bago ituloy ang pakikipag-usap sa ka-meeting.
"Sa kaso mo Ms. Lopez, ang kumpanya namin ay mayroong exclusive contract proposal sayo. Unang-una rito ay gusto namin na ang Bluestar lang ang magbenta sa loob ng bansa ng bago mong libro at ng mga susunod pa."
Nag-iba ang hulma ng mukha ng sikat na manunulat sa narinig. "Ano? Gusto nyong limitahan ang market ko? Marami akong mga readers saan man sa bansa at gusto nyong pahirapan ang iba sa kanila na makakuha ng libro ko."
"Bluestar is everywhere Ms. Lopez, baka hindi mo nalalaman."
Unti-unting nakakaramdam ng pagkapresko si Jessica sa kausap. "Oo alam ko pero paano naman ang ibang mga bookstore na matagal ng nagmamarket ng libro ko?"
"Ititigil mo ang pagsu-supply nyo sa kanila." diretsong sagot ng lalaki.
"At sa tingin nyo papayag ako sa katawa-tawang idea na ito. Gusto nyong kontrolin pati benta ng mga libro ko. Oo malaki kayong kumpanya pero paano naman ang mga sales namin mula sa ibang mga bookstores." wika ni Jessica na pilit pinipigilan ipakita ang pagkapikon.
"Kaya ka namin binibigyan ng proposal Ms. Lopez. Bibilhin sayo ng Bluestar ng mas mataas na presyo ang libro para macompensate ang mga maari mong kitain mula sa ibang mga bookstores."
"Ahhh...so sa madaling salita, kokontrolin nyo pa pati presyo ng libro ko at maaring pahirapan nyo rin ang mga readers ko dahil pwedeng-pwede niyo itong mahalan." ngingisi-ngising wika ng dalaga.
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...