"Bitawan nyo ako kailangan kong makausap si Jessica!"
Nakikipagtalo si Sandra kay Mylene at sa iba pa nitong mga kasamahan sa opisina. Pinipigilan siya ng mga tauhan ng kanyang kaibigan na pumasok sa opisina nito.
"Hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok Miss! Hindi tumatanggap ng kung sinu-sino lang na bisita si Miss Jessica! Kailangan may appointment ka kung gusto mo syang makausap!" wika ng napipikonng si Mylene sa kakulitan ng di nakikilalang babae.
Bagamat ilang beses nang nagkatagpo sina Sandra at Mylene, hindi pa rin namumukhaan ng sekretarya ang dalaga. Nagkita na ng malapitan ang dalawa sa party na inihanda ng Bluestar para kay Jessica ngunit malayong-malayo ang hitsura ni Sandra sa gabing yun kumpara sa kasalukuyang ayos nito na nakasuot lamang ng pangkaraniwang damit at walang bahid ng kahit konting make-up.
"Sinabi nang papasukin nyo ako! Jessica kausapin mo ako!" sigaw ni Sandra habang pilit hinahawi ang mga kamay ng mga taong pumipigil sa kanya.
"Papasukin nyo sya!"
Napatingin lahat ng mga nagkakagulong tao sa nakatayong si Jessica. Nakadungaw ito mula sa kanyang personal office. Seryoso ang mukha at nakahalukipkip. Nagulat bigla si Mylene sa sigaw ng amo at sa pagkakatitig nito sa babae ay mukhang magkakilala nga ang dalawa kung kaya't kaagad na inalis niya ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak dito.
Tiningnan ni Sandra ng matapang si Jessica dahil hinayaan pa nitong magkagulo bago sya papasukin. Mabilis na nagtungo si Sandra sa mesa ng kaibigan habang naiwang nagtataka ang mga empleyado sa di kilalang babaeng basta na lamang dumating ng wala man lang pasabi.
"Kaya ba pinatagal mo pa ang panghaharang sa akin ng mga tauhan mo dahil natatakot ka na baka maningil ako sa ginawa mo?" bungad na wika ni Sandra nang nakangisi at sabay upo sa tapat ng mesa ni Jessica.
Hindi sumagot si Jessica sa sumbat ng kaibigan. Mahinahon itong bumalik sa kanyang mesa at hinarap ang di inaasahang bisita.
"Kung hindi yan ang dahilan. Bakit naririto ka?"
"Dahil ilang araw mo na akong iniiwasan! Hindi mo sinasagot lahat ng mga text at tawag ko!" huminga ng malalim si Sandra at nagseryoso ng mukha. "Wala kang dapat ipag-alala, Jessica... naiintindihan ko ang ginawa mo. Sa ilang ulit na bang ginawa mo ito sa akin, may pagkakataon ba na nagdamdam ako sayo?"
Muling tumahimik si Jessica at iniwas ang mga mata sa kausap.
"Huwag tayong magtalo dito, Sandra."
Tumayo si Sandra at tumalikod sa kaibigan. Tumingin siya sa mga nakasabit na dekorasyon sa dingding at muling humugot ng isang malalim na buntong hininga.
"Hindi ako pumunta dito para makipagtalo. At hindi rin lang dahil sa pag-iwas mo, meron akong gustong malaman mula sayo Jessica..."
"Sandra, pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap, darating si Jerome. Ayokong maabutan nya tayo sa ganitong sitwasyon."
Hindi pinakinggan ni Sandra ang pakiusap ng kaibigan.
"Gusto kong malaman Jessica kung ano ngayon ang mas mahalaga para sayo....ang magandang pangalan mo o si Jerome?"
Natigilan si Jessica sa narinig.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit nagtatanong ka ng ganyan Sandra?
"Ang kasikatan at pangalan mo o si Jerome? Ang tagumpay mo o si Jerome? Jessica isasakripisyo mo ba ang kung anong meron ka sa ngayon kapalit ng masayang pagsasama kasama ang lalaking mahal mo? Gusto kong malaman ang sagot mo."
BINABASA MO ANG
[SPG] FAST BREAK
HumorKapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola a...