His Wife Epilogue

35K 277 21
                                    

CATHY’S POV

“ Mali ba ang magmahal? Mali ba ang mahalin siya? I never wanted to hurt her but shit… she loathes me. Akala ko… akala ko kasi kapag g-ginawa ko yun, she will stay with me but it happened otherwise! P-please save her… Ililigtas niyo naman siya di ba?” Malikot ang tingin ng mga mata ni Shikihiro “ Hiro” Mercado. Nanginginig ang kanyang mga kamay na may pares ng posas. Nangangatal ang kanyang panga. Ibang iba na ang kanyang hitsura at anyo.

“ You are arrested Mr. Mercado for many crimes: Murder, Homicide, Kidnapping, Serious Illegal Detention, Rape, Smuggling and Human Trafficking. Lahat ng sasabihin mo ay maaring maging ebidensiya sa hukuman.” Mas lalong nagwala si Hiro ng marinig niya ang salitang hukuman- na ang ibig sabihin ay makukulong siya. Inilibot niya ang kanyang paningin and he saw his brother, Tristan na punong- puno ng luha ang mukha.

“ T-tristan! Help me please! Please” sigaw niya dito pero hindi siya nito pinansin. Lumapit naman si Tristan kay Cathy na bagamat nakakatayo ay may mga galos at tama na rin sa katawan. “ Are you okay? Please tell me that you are not hurt and will not leave me…” mangiyak ngiyak na sabi ni Tristan. Nagulat naman si Cathy na kung tawagin din ng iba ay C.

“ Please, huwag ako ang tignan mo, just look for Emerald’s condition.” Malamig na sabi nito then she immediately push him. Ayaw niyang nadidikit dito because the memories of her past still haunts her. She hates him.

“ Let’s go! Move fast! Kunin ang lahat ng yan, ebidensiya ang lahat ng yan!” utos niya sa mga co-agents niya na tumango na lamang. Nakita niyang isinakay na si Hiro at iba pang mga kasama nito sa police car. Sumakay na agad siya sa motor niya at dali- daling nagtungo sa hospital.

***

“ Omygod! Anong nangyari sa kanila? Bakit hindi niyo sinabi sa amin ang lahat ng ito? We should’ve protect them kung nalaman namin ang lahat ng ito!” sigaw ni John at umiling iling pa. Nakita ko sa gilid niya na tahimik lang na humihikbi si Maxene.

“ I can’t afford kung may mangyari mang masama sa kanya. You see, we were separated, lately lang din kaming nagkakilala at nagkita then this? No, please…” sabi ni Maxene. Lahat ng mga kaibigan at kapamilya ni JC at Emerald ay nandoon at tahimik na nagdadasal. Tapos na ang lahat, sana naman ay maging maayos na din ito.

“ C, we’ve caught Chantal, dadalin na din namin siya sa quarters.” Narinig niyang sabi ng isa niyang mga kasamahan sa kanyang ear piece. Nagulat siya ng bigla na lang may humawak sa kamay niya.

“ Kahit ngayon lang Cathy, kahit ngayon lang na mahawakan ko yung kamay mo. I need all the necessary support. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa lahat ng nangyayari sa pamilya ko.” Tumango na lang ako sa sinabi ni Tristan. I guess…. Wala naman na sigurong masama dito. I just needed to support him. Anyway, hindi rin naman kasi mangyayari ito kung naging magaling lang ako. I should’ve protected them!

“ Huwag mong sisihin yung sarili mo, hindi mo naman kasalanan. Dapat nga ay cinocongratulate ka namin kasi dahil sayo matatapos na din yung trahedyang ito. You did your best, C.” Ewan ko. Hindi. Hindi talaga dapat eh pero napangiti ako sa sinabi ni Tristan.

Hindi namin alam kung ilang oras ang hinintay namin. Lahat ay taimtim na nagdarasal. Lahat ay tahimik. Napatayo ako ng makita ko ang isang nurse na humahangong pumunta sa amin at galak na galak yung mukha niya.

“ Gising na po ang pasyente. Gising na po si Mr. JC Mercado.” Masayang sabi ng nurse sa amin. Napasigaw ang iba. Lahat kami ay masaya na tumakbo at tumungo sa ICU. Nakita namin doon si JC na nakaupo na at litong litong nakatingin sa amin.

“ Everything’s now fine, dude” masayang sabi ni John at niyakap si JC. Nakita ko din doon ang masayang ngiti ni JC. Maluha luha pa nga siya eh. Dumating na ang doctor at inexamine na siya. So far so good.

“ Natakot ako sayo Kuya” sabi ni Tristan at nakita kong binatukan siya ni JC sabay sabing sira. Natawa naman ang iba. Pansamantalang nakalimutan ang iba pang kaganapan. I saw how JC’s eyes roam around the room na parang may hinahanap.

“ Everything is now fine, I believe. Pero nasaan yung asaw ko? Where is Emerald?” tanong niya at lahat kami ay nanatiling tahimik sa tanong niya. Nakita kong lumabas na lang bigla si Maxene at sa tingin ko ay babalik siya sa operating room.

“ Hey, I’m asking kung nasaan si Emerald. Nakuha niyo naman siya diba? Nakita niyo naman na agad siya diba?” tanong niya at kumuyon bigla yung kamao niya. Lahat kami ay ayaw magsalita.

“ She was shot and currently in the Operating room.” Pagbabasag sa katahimikan ni John. Fear and anger flashed into JC’s eyes. Bigla na lang niyang pinagtatanggal yung mga aparato na nakalagay sa kamay niya. Nagulat kami kaya hindi kami agad nakahuma. Maagap yung mga nurse kaya napigilan nila si JC.

“ Sir, kumalma po kayo! Nagdurugo na po yung mga sugat ninyo!” sabi nung dalawang nurse na agad namang umalalay kay JC. Umiiyak na siya sabay umiiling. Nang kumalma na siya ay yumuko na lang siya at umiyak. “ Dalhin niyo ako sa kanya please. I love my wife and I can’t afford to lose her. Mahal na mahal ko siya na I can trade my soul to the devil makasama lang siya.” Sabi niya. Kinausap lang saglit ni John yung mga nurses at pagkaraa’y kumuha na ng wheel chair.

“ I’m scared Cathy” narinig kong bulong ni Tristan. Nilingon ko siya at nginitian. May lugar naman siguro yung galit ko para sa kanya and I belive that now is not the right time. He needs a friend and he needs me.

“ Don’t be. Matapang ang pamilya ninyo. Kaya niyo yan at malalagpasan niyo yan. Kahit si Ate Emerald ay alam kong lumalaban.” Sabi ko pero napatakbo na lang kami bigla ng sumigaw si Ate Maxene. Lumapit naman kami agad at nakita ko mula sa salamin ng pinto na nirerevive si Ate Emerald.

“ Oh God! Please not my wife. Ako na lang po. I love you Emerald.” Umiiyak na si Kuya JC. Lahat kami ay walang magawa habang nakikita namin na patuloy na pinapump ng doctor ang dibdib ni Ate.

***

JC’S POV

So close to reaching
That famous happy end.
Almost believing
This one's not pretend.
And now you're beside me,
And look how far we've come.
So far we are. So close...

Oh how could I face the faceless days
If I should lose you now?

“JC, do you take and accept Emerald, to be your wedded wife, to live together in the covenant of faith, hope, trust and love according to the law of God? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat?”

“ I do father.” I answered with smile all over my face and happiness and love in my heart.

“ Emerald, do you take and accept JC, to be your wedded husband, to live together in the covenant of faith, hope, trust and love according to the law of God? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat?”

“ Yes, I do father.” Emerald answered with tears and smile all over her face. Palakpakan ng mga bisita at hiyawan ang narinig namin.

“ You may now kiss the bride” And so I did.

A/N:

After 1 year mahigit ay natapos ko na rin ang His Wife and I am so damn happy dahil sinamahan niyo ako all throughout the journey of my story. Dati 2 lang reads nito: Ako tsaka yung bestfriend ko. Ngayon di ko maimagine na halos 200 k mahigit na ito. To all my bashers, thank you sa pagpapatibay sa akin. Saa aking mga readers, I LOVE YOU GUYS, YOU WILL BE FOREVER IN MY HEART GUYS.

ALAM KONG BITIN SO I WILL BE POSTING SPECIAL CHAPTERS REGARDING SA RELATIONSHIP NILA JC AND LOVESTORIES NILA: Maxene and John, Tristan and C, and Hiro and Chantal.

Okay? PM me for more infos and questions.

Adios! I love youuuuu

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon