His Wife (26) Tears

31.7K 397 33
                                    

MAXENE  QUINTO’S POV

 

 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman o kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Nanlalamig na ang mga kamay ko at nanginginig na din ang katawan ko. Nanlamig ako sa narinig kong balita at labis naman akong nagulat. Tinignan ko si JC at mas malala pa ang naging ekspresyon niya. Tinakasan siya ng kulay sa mukha. Putlang putla siya at nanlalaki din yung mga mata niya. Hindi ko maiwasang magalit at sisihin si JC. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kasalanan niya ang lahat! Pero sa gulat ko, tuloy tuloy na umagos ang mga luha mula sa mata ni JC. Para siyang batang inagawan ng lollipop at ngayon nga ay umaatungal siya. Anong nangyayari sa kanya? Hindi ba at ito naman yung gusto niya? He wants Emerald out of his life, right?

I feel numb at this moment. Hindi ko alam pero umaagos na pala yung mga luha ko. Pilit ko silang pinipigilan pero ayaw tumigil eh. Hindi maabsorb ng utak ko yung fact na patay na… patay na si Emerald. Patay na yung… kapa--- Mataman kong tinignan si JC na para ko na siyang pinapatay sa utak ko. I so want to kill him. I so want to wreck his neck and shred him into pieces.

“ Hindi pa siya patay, ate.” Sabi niya with full conviction na parang feeling niya eh tama yung hinala niya. But I knew better. I knew. Hindi ko na dapat pinapaasa yung sarili ko na buhay pa siya. Pero, sana kahit ngayon lang, tumama yung inaasam ko.

Dire- diretso akong lumabas ng office.Nakita ko namang naluluha na yung ibang empleyado. I’m sure they are grieving because of the news. Pero confirmed na ba na bangkay ni Emerald yun? Na bangkay ng kapa----- URGH! Hindi ko man lang nasabi!? That thought makes me cry harder. Halos lahat ng madaanan ko, naiiyak na. I can’t blame them. Naging mabuting katrabaho at amo si Emerald. She treated them like her brothers and sisters. Mas lalo namang nanikip ang dibdib ko.

Nagmamadali kong tinungo ang kotse at pinasibad na agad para papuntahin sa ospital. Maraming press ang nag-aabang sa labas pero hindi ko na sila pinansin. All I need to do is to check Emerald. All I need to do is to know that she is okay. That she’s fine.Naabutan ko na agad sila Hiro at Monica sa lobby pa lang ng hospital. Mukhang hinihintay nila ako at mukhang gusto nila akong makasabay. Iyak lang ng iyak si Monica at hindi na siya mapatahan ni Nick. Naluluha na din si Hiro pero wala akong pakialam sa kanya.

“ Huwag nga kayong umiyak jan! She’s fine okay!? B-baka n-nag-iinarte lang siya.” JC said trying to make his voice comfortable with the situation pero he failed. Pumiyok siya sa dulo. Napatigil silang lahat ng may biglang siyang sinampal ni Monica. Nasa tapat na pala kami ng morgue. Talagang naunahan lang ako ni Monica, because that is my original plan. I was about to slap him. How dare he tell that to Emerald? Nag-iinarte? Paano siya makapag-iinarte kung nasa peligro na yung buhay niya? This is between life and death situation ng asawa niya pero all he can say is that CRAP!? Na nag-iinarte lang si Emerald?

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon