Magandang Author's Note:
Napansin ko kasi yung mga readers na todo comment and todo vote. Nag-aapear kasi siya sa wall ko. Marami din ang nagmemessage sa akin. Thank you po sa effort na ginagawa niyo. I really appreciate it. Kaya itong chapter na ito ay dinededicate ko kina: (2nd batch to be followed)
@JufranFaustino
@InloveKayUnknown
@MhecoYuriie
@pennylatorgo
@mCJervez
@acpanes
@MiGiDelarosa
@AllyssaSandy
@DyannAdona
@wattywatty123456
@JudyAnnQue
@emsica
* Sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta sa akin. Mwah! HAHA.
Nakita ko siya! Diyos ko! Totoo ba itong nakikita ko? Totoo ba itong nasa harap ko? Hindi ko na namalayan pero sunod- sunod na luha ang tumulo mula sa mukha ko. Nakangiti siya sa akin. Hinapit ko siya papunta sa akin na ginantihan naman niya ng isang mahinhin na tawa at isang mahigpit rin na yakap. Wala na akong pakialam kahit na magmukha akong katawa- tawa o bakla pero isa lang ang alam ko… nandito na siya… nakikita ko na siya, naririnig, nahahawakan at nayayakap.
“ Emerald…” mahinang bulong ko sa kanya. Sunod sunod ang nagging pagtango niya sa akin. Mas lalo lang akong napaiyak. Ilang buwan ang hinintay ko para mayakap siyang muli… para makita siya uli.
“ Jayden…” Inilibot ko ang paningin ko at tsaka ko pa lang napansin na nasa isang simbahan pala kami. Naka-suot ako ng puting tuxedo samantalang siya ay isang putting wedding gown na nakahapit sa katawan niya. Natatakpan ng belo yung buong mukha niyang hilam na rin sa luha.
“ You may now kiss the bride…” napatingin ako sa pari. Walang pag-aalinlangan kong tinanggal yung belo niya at masuyong hinagkan sa labi. It was sweet yet passionate. Palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya pero napansin kong…
Unti- unti iyong naglalaho… unti- unti siyang nawawala sa paningin ko… unti- unti siya nagiging abo hanggang sa maging itim ang lahat. Luminga ako sa paligid ko.
“ E-emerald!? N-nasaan ka!? Emerald!” tinatawag ko siya… tumatakbo ako. Pero wala akong makita. It’s like I was about to reach for something I do not know. Something that I want to have yet I can’t and I will never have.
“ Pinatay mo ako… minahal kita pero sinasaktan mo lang ako…” isang babae ang nakatalikod sa akin. Paulit ulit niyang binibigkas iyon. Tumingin siya sa akin at nakita kong suot niya pa rin yung wedding gown… pero puno iyon ng dugo.
“ Emerald!? Anong nangyayari!?” tanong ko. Naguguluhan na ako. Kanina… Masaya lang kami. Ikinakasal pa nga kami eh, bakit naging ganito? Anong nangyari? Napatingin ako sa kamay ko at nagulat ako ng makita kong puro dugo iyon.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo