NOTE:
There is this certain reader na minessage ako at tinanong kung bakit matagal ang update. Una, nacorrupt po ang mga files ko. Pangalawa, nakakabwisit at nakakawalang gana kasi yung mga taong sinasabi na napakapanget daw ng story ko, wherein fact ay tinapos naman nilang basahin ang HW. Nakakatawa kasi, nasa Chpater 42 na yata siya nung sinabi niya na nakakasayang daw ang HW ng oras. Duh, edi huwag mong basahin, pinilit ba kita!? HAHAHA.
Gusto ko lang din po pala magpasalamat, sa mga naghihintay pa rin at sa mga avid readers at supporters ng HW. Ilabyou po.
This is dedicated to the following persons:
junglujaetaejinmyu
uglykrissy
hisboyishjagi
AngeloCinco0
Natapos na rin ang maraming taon ng sakit at pagdurusa. Marami na ang nangyari. Sobrang dami. Nakahinga na kami ng maluwag dahil alam naman naming wala ng problema. Nakakulong na sa isang mental institution si Hiro. I felt bad for him pero nangingibabaw pa rin doon yung sakit. He manipulated all of us and tried to kill my husband and me. Pati yung mga kapatid niya ay nadamay. Si Chantal naman ay nakadetain na rin bilang isa sa mga tauhan na tumulong kay Hiro. And their baby?
Well, Cath decided to adopt him. Gusto ko nga sana dahil kahit papaano ay pamangkin ko pa rin iyon pero sabi ni Cath ay gusto niyang kunin at alagaan ang bata. She will be one of the best mom in the world, I know... with Tristan in her side. Ate Maxene and Kuya John, I never imagined them to be the 'aso't pusa' samantalang dati ay mahal nila ang isa't isa. Kung may isang common na lang yata sa kanila ay ang pagmamahal nila sa anak nila. Sana magbati na sila so that they can give Asher Rain- a perfect and wonderful family.
Masyado na rin naging busy and asawa ko rebuilding his architectural firm. I decided to build a clothing line. Oo, malayo ang difference dahil dati ay mga bahay ang dinedesign ko tapos ngayon ay mga damit na. But still, I love my job.
Naging martir ako sa pagibig, wala na akong inintindi kundi yung mga nararamdaman ko. Umiyak, nasaktan, naghiganti. Nevertheless, kung hindi ko ginawa ang lahat ng iyon, I will not be the Emerald Thalia Mercado na kaya ng ipagtanggol yung sarili ngayon. Life taught me na in order to love someone, you need to love yourself first. Maraming pagkakamali at maraming taon ang nasayang, pero iyon lang naman yung mga bagay na nagpatatag sa akin at sa relasyon namin ni JC. We're indestructible. Damang dama ko yung pagmamahal niya. I'm JC's wife. His Wife.
" JC! Bitawan mo nga yang lipstick ko!" sigaw ko kay JC habang tuwang tuwa siyang pinaglalaruan yung lipstick ko. Napailing na lang ako at hinablot iyon sa kanya. Sumimangot siya at pinapungay yung mga mata. " Sisteret naman! Itatry ko lang naman eh" sabi niya sa akin habang hinahawi hawi pa yung kunyari niyang mahabang buhok. Tawa naman ako ng tawa.
" Eww Jayden! Hindi mo bagay! Kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. Hinablot na naman niya yung lipstick sa kamay ko at naglagay sa labi niya. Tawa naman ako ng tawa dahil lagpas lagpas iyon sa kanya at masagwang tignan.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo