His Wife (32) Wanted: WIFE

27.5K 289 23
                                    

“ MAXENE! TOTOO BA!?” nagulat ako sa isang sigaw mula sa likuran ko. Unti- unti akong lumingon at nakita ko si John na papalapit sa akin. Bigla ko na lang naramdaman na parang nanlambot yung tuhod ko, nanginig agad yung kalamnan ko, na kung hindi ko naagapan, baka nabuwal na ako. Pinagbawalan na ako ni JC na magsuot ng heels, so ngayon flats na lang ang suot ko na dahilan para lumiit ako. Nakatingala ako kay John habang nakatingin siya sa akin at parang galit na galit.

“ Ang alin?” maang maangan kong tanong sa kanya. Bigla niya akong hinaklit sa braso at hinalikan. Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sampalin. Kalahati ng utak ko ang nagsasabi noon, pero yung kalahati, ayaw pumanig. I guess, this is love and hatred, after all.

“ BUNTIS KA BA!?” nakasigaw pa rin siya sa akin habang binaba ko naman ng maayos yung mga papeles na nirereview ko para sa company ko. Napatitig naman ako kay John at wala sa sariling hinawakan ko yung tiyan ko. Kaharap ko ngayon ang tatay ng anak ko. Ang taong maaring manakit sa akin. Sa amin ng anak ko.

“ Oo, at ano bang pakialam mo!?” I must get him out of our sight. Marami na siyang nagawa sa akin. At oo, natatakot ako para sa anak ko. Ngayong magiging ina na ako months from now, I’ll never let anything or anyone hurt my child.

“ At kanino ka nagpabuntis!?” lumamlam yung mata niya pero siguro imagination ko lang iyon. Galit ang nakarehistro sa mukha niya. Hindi ko na maaninag ang John Mercado na nakilala ko. Ewan ko kung bakit pero, parang nasasaktan ako kasi nakikita ko siyang ganito.

“ S-si JC!” sigaw ko pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinahalikan niya ako! And I can’t help myself. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako nung bitawan niya na ako. I feel so helpless. Useless. Bumitaw siya at tinitigan ako ng mataman.

“ At nagpabuntis ka sa asawa ng kapatid mo!? I don’t know pero…  urgh! Malandi!” he just said with clenched fists. Napayuko na lang ako at napatingin ulit sa kanya. Isang malutong na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya. Nakakainis isipin na yung taong minahal at nakasama mo ng ilang taon eh, yung taong manghuhusga rin pala sa iyo.

“ Una sa lahat John! Hindi ikaw ang nagpapalamon sa amin para laitin mo ako ng ganyan. Hindi ako malandi! Napaka-kapal talaga ng mukha mo para pagsalitaan ako ng ganyan.” I said habang pinupunasan ko yung mukha kong puno na ng luha ko. Nadedepress ako dahil sa nangyayari.

“ WAG KANG UMASTANG SOBRANG NASASAKTAN KA, KUNG PATAGO KA NAMANG LUMALANDI SA IBA” with that pinagsusuntok ko na siya sa dibdib. Oo, galit na galit na ako sa kanya. Wala siyang karapatan kasi una sa lahat, para rin ito sa ikabubuti ng anak ko. Ngayon pa nga lang, sinasaktan na niya ako, pano na yung anak ko?

“ I don’t give any damn kung ano man ang sabihin mo. Can you please? Get out of my sight or better yet, get out of our lives.” Malamig kong sabi sa kanya. Tumalikod siya sa akin. Hinawakan ko naman yung bibig ko para mapigilan ko yung mga hikbi ko. Nang dahil sa pag-iyak ko, nagiging mahina ako. Kaya ipinapangako ko, ito na ang huling luhang ipapatak ko para sayo, John Mercado. He uttered some sentences that I can’t decipher. One of his talents… marami siyang language na alam.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon