His Wife (42) Clandestine

19K 240 16
                                    

“ Hiro drugs me always and I can’t do any single fucking damn thing…” wala na sa sarili si Jayden. Litong lito na siya kung paano ipapaliwanag sa asawa niya kung paano at bakit niya nagawa iyon lahat.

“ Nawawala ako sa sarili ko that’s why sometimes… I had brutally and physically abused you…” tuloy tuloy pa rin siya sa pagsasalita. Nanatiling tahimik lamang sila Tristan at Emerald. Bigla na namang tumulo ang luha ni Emerald, pilit na inaalala ang nakaraan.

“ Sometimes!? Damn you! It’s always JC! Sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi mo akong sinasaktan!” nanggagalaiti namang sigaw ni Emerald.

“ I- I tried to tell you how much I love you… but I always fail…” napiyok na rin si Jayden. His voice even cracked. Nanatiling nakakuyom ang mga palad niya. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Emerald. Namumula na rin si Emerald at alam mong din a siya komportable sa mga nangyayari.

“ Emerald! Stop it!” malakas na sigaw ni Tristan habang pinipigilan si Emerald sa pagsugod kay Jayden. Nanatili na lang na nakayuko si Jayden pero nagsimula ng umagos yung mga luha niya.

“ Ganoon na lang ba iyon!? Magpapaliwanag ka lang at sa tingin mo, mapapatawad na kita!?” isang malakas na hagulhol ang narinig sa buong kwarto. Pilit naman siyang pinipigilan ni  Tristan.

“ Let him finish, Emerald!” malakas na sigaw ni Tristan na nagpakalma sandal kay Emerald.

“ Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, ang gusto ko lang pakinggan mo ako.” Madiin at may conviction na sabi ni Jayden na nagpatingin kay Emerald. Nagulat siya sa biglaang outburst ni Jayden.

“ I tried telling you how much I love you nung nasa eroplano na tayo… by saying I love you and I am sorry for hurting you by telling it in other language… Nung nawala ka sa Paris, I was there… following you and God knows how I wanted to punch those guys for hurting you… but Hiro manipulated the scene… siya ang nagbayad sa mga lalaking iyon para kunayri ay pagtangkaan ka ng masama then he acted as your knight in shining armor.” Nalilito na rin si Emerald. Paano? Bakit?

“  Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? Asawa mo ako? Obligasyon kong malaman lahat ng problema mo but you chose to hide it from me!” biglaang outburst na din ni Emerald. Nanatili pa ring tahimik si Tristan, nakaantabay sa bawat mangyayari sa pagitan ng mag- asawa.

“ I tried to tell it to you! Pero look what happened! Nung una, threats lang ang natatanggap mo, right? Then when I impregnated you, someone shot our car! Natatakot ako sa pwedeng mangyari hindi para sa akin pero para sa iyo! I tried it, Emerald. Sinubukan kong buuin ulit yung relasyon natin pero natakot ako… naduwag ako!”

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon