“ Urgh! Get away from me!” napalayo at napatungo na lang ako kay Dreame or should I say Emerald. Pero para sa akin, the name ‘Emerald’ does not suit her anymore… kasi marami na talaga siyang ipinagbago. The way she talks to me, the way she dress, the way she address me.
“ Kuhanan mo nga ako ng juice!” napatingin ako sa kanya ng malakas siyang bumuntong hininga at parang aligagang umupo sa sofa. It’s been one month since we live together. Ayos naman na yung gulong ginawa nila Ate Maxene and Kuya John. Every detail was settled then. Dreame also knew about the fact that she is Maxene’s long lost kidnapped sister.
“ Pinagpapawisan ka ah, ayos ka lang ba talaga?” kung ganitong pagpapakababa ang gagawin ko, ayos lang para kay Dreame. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, kasalanan ko ang lahat ng ito. Kinuha niya yung juice sa kamay ko at dire- diretsong nilagok.
“ Your face makes me throw up” hirap niyang sabi. Nilagay ko yung palad ko sa noo niya pero hindi naman siya mainit. Wala naman siyang lagnat. Tinitigan niya ako pagkaraa’y inirapan at tinabig yung kamay ko.
“ Kung hindi ka mawawala sa buhay ko by means of physical torture, mas masakit naman ang emotional. Beat me, I’ve experienced that already. I’ll make sure na bawat salita ay parang kutsilyong papatay sayo. Hindi ka pa ba susuko? Tch!” sabi niya sa akin. So akala ba niya hindi ako nahihirapan at nasasaktan ngayon? Kasi kung hindi, sasabihin ko ng sobrang sakit na. Pero ayaw kong sumuko kasi I still believe na mababago pa ang lahat ng ito. That she would change again.
“ No. Not ever. Dati nga, hindi mo ako sinukuan, ngayon pa ba?” Pero iniisip ko na ito… paano kung magsawa ako sa kapapanakit niya sa akin? Pero I doubt that. Hindi ako magsasawa. I can do this. Pero… ano na nga ba ang gagawin ko?
“ SHIT!” hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Maputlang maputla na siya. Nakahawak siya sa may bandang puson niya. I know this kind of stuff. Perks of being a girl.
“ Icheck mo nga kung may tagos ako!” aburido na siya. Now I know kung bakit nagsusungit siya pero imbis na kaawaan ko ulit yung sarili ko, natutuwa ako. I love it when she nags at me. Pakiramdam ko kasi, parang mag- asawa talaga kami.
“ Dreame… ah I think you should go to the comfort room… you see you have a red stain” nahihiya ko pang sabi sa kanya. Pulang pula naman na yung mukha niya. Tinilan niya ako at nagmamadaling tumakbo siya papunta sa banyo sabay sigaw ng “ I hate you!”
Kaya siguro nagsusungit siya, dahil meron siya. Napangiti na lang ako. I suddenly remembered one of the romance movies… nagger yung babae kaya walang magawa yung lalaki. Napailing ako at umupo na lang sa sofa. Kaya lang naisip ko, hindi lang basta parte ng pelikula ito. Totoo na ito.
“ JAYDEN!” kahit ginaganito niya ako, okay lang, as I’ve always saying, I deserve all this kind of shit. Tumayo na ako at pinuntahan siya. Nakasungaw yung ulo niya at inip na tinignan ako. “ Tagal mo!” sigaw niya ulit kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo