His Wife (22) MAHA~

26.6K 243 47
                                    

Napangiti na lang ako habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA. Nakalabas na ako sa ospital at ngayon nga ay pupunta kami sa tinutuluyan ng impaktang ito. At sosyal ang malanding ito ha, FORBES PARK lang naman ang bahay. Hindi na naalis ang pagkakadikit niya sa asawa ko. Gusto kong mainis at baliin yung leeg ni Chantal kaya lang alam kong ibababa ko lang yung sarili ko. Hindi ko ibababa yung sarili ko ng dahil lang sa kanya. Halata din sa mukha niya na may gagawin siya. Napagnilayan ko nay an kagabi. Hindi na niya ako makakanti. Uunahan ko na siya at ngayon pa lang na iniisip ko yung mga plano at gagawin ko napapatawa na ako.

“ You know what Emerald----“ naputol na yung sasabihin niya sana sakin nung magsalita agad ako.

“ Malamang hindi pa. Shonga lang teh?” pabalang na sagot ko and I know na nabwisit ko agad siya kasi namula na agad siya. Tinignan naman ako ni JC sa rearview mirror na parang sinasabing ‘ayusin-mo’. I just shrugged my shoulders. Wala pa nga akong ginagawa eh.

“ Psh. You are so… URGH! Anyway, alam mo… parang tumaba ka. Right JC honey? She gain some weight in the hospital, right?” Aba! Bwisit na Chantal to ah! Ako? Tumaba!? Humanda ka ngayon sakin.

“Hindi ako mataba! Payat ka lang talaga at walang makain sa bahay nyo.” Mataray na sabi ko. Gusto kong matawa sa nakikita ko sa kanya. Parang sinasabi niya sa sarili niya na ganoon na ba siya kapayat? Well, sexy nga naman siya eh. Parang hindi siya buntis, sadyang may demonyo lang na sumapi sa akin at gusto ko siyang makitang mabwisit.

Ibinaba na kami ni JC sa isang grey and white na mansion. It looks fabulous. Nah, fabulous is not enough. It’s astounding. Walang sinabi yung bahay namin ni JC sa bahay na pinagtitirhan niya kay Chantal. Sumakit na naman yung puso ko, bakit parang espesyal si Chantal kung ituring ni JC. Then it hit me. Buntis nga pala siya, ano namang panama ko diba? Nagpaalam na si JC sa amin at may meeting daw siya at ito ang kinatutuwa ko. I’ll take care of Chantal daw. Pero may mangyari lang daw kay Chantal, lagot na daw ako. And these are JC’s last words to me before he left this goddamn mansion.

“ Emerald, I’m telling you… DON’T. DO. ANYTHING. STUPID. Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Take care of her.Huwag mo siyang sasaktan at hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo”

 

 

 

 

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon