His Wife (16)

28.4K 279 22
                                    

Naramdaman ko na lang ang mga bisig ni JC sa akin. He really changed a lot. Hindi na niya ako sinisigawan. He always make me feel special. Siya na nagluluto ng pagkain ko. Mahaba na din yung pasensiya niya. If you could ask me what the word ‘sweet’ means? I’ll probably answer JC. Hindi niya ako hinahayaan mastress. Halos hindi na nga niya ako pinakikilos eh. Ayaw na din niya akong nagtatrabaho sa Mercado Builders eh. Eh juice ko! Wala pa nga sa limang buwan itong pinagbubuntis ko, pero I’m happy na rin kasi healthy naman daw siya kaya lang, the problem is, mahina yung kapit niya. So somehow, I understand why JC cares a lot for the baby. Yeah, he cares about the baby, not me.

Kasi, kung titignan niyo, kung hindi ba ako buntis, will he act the same way katulad ngayon? Pero arrgh! I should’nt think this way. I should avoid stress! Para kay baby, tsaka ko na lang iisipin yung iba. Basta ang alam ko, masaya ako dahil napapasaya ko si JC. Masaya ako kasi magkakaroon na kami ng anak.

“ Emerald? Anong gusto mong ipangalan kay Baby?” tanong ni JC. Nako! Itong lalaking ito, nilalandi nanaman ako. Pinalipat niya kasi ako ng office eh, para daw mabantayan niya ako. Kaya lang, puro naman kalandian yung ginagawa niya. Like, he would kiss my nape. Argh! Ang kulit niya -.-

“ Kapag lalaki Bruno o Douglas, kapag babae naman eh, Crusipina.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Pero siyempre, joke lang yun. Baka isumpa ako ng anak ko kung ganoon yung ipinangalan ko sa kanya noh. Nakita ko namang nagpout siya at kumunot yung noo. Tsaka bumalik sa upuan niya. Pinagtuunan ko naman ng pansin yung ginagawa kong architectural design ng isang mansion.

“ Nagbuntis lang ang KJ na.” sabi niya. Tinignan ko siya in a naiiirita look then umirap ako sa kanya. Itinaas naman niya yung paa niya sa ibabaw ng lamesa at pumito piton g “Careless Whisper”. Napatingin naman ako sa kanya tapos kumindat siya sakin. Nako! Alam ko na ibig sabihin nito.

“ Emerald? Ang ganda mo ngayon” sabi niya sakin at tumayo na. Tumayo na rin ako at lalabas na sana ng office nung higitin niya yung kamay ko kaya napaupo ako sa lap niya.

“ JC not-----“ naputol yung sasabihin ko ng pabalang na binuksan ng isang hudas yung pinto. Napatayo naman agad ako at napatingin kung sino iyon eh. Nagpapapilit lang naman ako eh. Tapos kung kelan bibigay na ako tsaka may dadating? And speaking of hudas, it’s Chantal, wearing her super red lipstick. I immediately fix my composure.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon