Napamulagat na lang ako ng mag-ring yung alarm clock ko. Pupungas pungas at inaantok na bumangon ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Tumingin ako sa orasan ko at alas tres pa lang ng umaga. Halos 3 oras pa lang akong natutulog. Isang linggo na akong ganito, ni hindi ako kumakain, ni hindi ako lumalabas ng kwarto, pilit ko pa rin kasing inaayos yung design para sa Korean investors. I don’t know kung kumusta na yung plano or kumusta na si Chantal. All I know is that I need to perfect this damn design. I need to pass that damn project. All I know is that I need to win against Chantal.
“ Wake up Emerald~ Finish this design” sabi ko habang mahinang tinatapik tapik yung pisngi ko. Sa totoo lang, mas malaki pa yung eyebugs ko kaysa sa mata ko. Sobra na akong napupuyat pero kailangan kong tapusin ito eh.
“ Hmmm… Ano pa bang kulang?” tanong ko sa sarili ko habang chinecheck yung mga files. Actually, ngayon kasi yung presentation at kinakabahan na talaga ako. What if kung matalo ako? Hahayaan ko na lang ba iyon? Pero kasi… pinagsikapan ko itong project na ito eh.
“ Wala naman na sigurong mali.” Sabi ko habang tatlong ulit kong binalikan yung cost of materials at pati yung design nung building. Tumingin ako sa oras at nagulat na lang ako ng pagtingin ko eh halos alas sais na ng umaga. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. It’s Maxene.
“ Hello, good morning” masayang batik o sa kabilang linya. Bumuntong hininga lang si Ate Maxene at ilang Segundo pa ay nagsalita na siya.
“ Emerald… goodluck” hindi ko alam pero matamlay yung pagkakasabi niya. Hindi naman siya ganito dati ah.
“ Thankyou po Ate~” masaya ko pa ring sabi. Pero may kumalabog lang sa kabilang linya, kinakabahan na tinanong ko naman si Ate Maxene.
“ Anong ingay yan Ate? Okay ka lang po?” tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo