I feel so different. Madalas akong mairita. Lagi na lang akong nabibwisit. Lahat ng ayaw ko, gusto ko. Lahat ng gusto ko, ayaw ko na. Ito na ba ang epekto ng pagiging proken hearted at ang pagmomove on? Coz right now, I’m feeling a bit paranoid, crazy, and gosh! I am experiencing from nausea. Napatitig na lang ako kay JC. Lately, kinahuhumalingan ko na siya. But don’t get me wrong, hindi ko siya gusto. It’s just like, gusto ko siyang laging nakikita at gustong gusto ko ding pisilin yung pisngi niya. Lahat ng nararamdaman ko ay bago sa akin kaya hindi ko alam ang tawag dito.
“ Max! Hey… what’s happening to you?” I don’t know kung ilang araw na akong ganito. Bigla bigla na lang mahihilo at maduduwal. Then right after I throw up, I’d crave for something. And I thought to myself, this is not really me. Yes, maarte ako dati, pero hindi ako ganito na nahuhumaling sa iba’t ibang bagay.
“ JC! Waaaah! I’m so dizzy.” Naiiyak na ako dahil sa nangyayari sa akin. Feeling ko literal na umiikot yung kinatatayuan ko. Worries ang nakabalatay sa mukha niya pagkatapos ay ngumiti siya showing his dimples in his cheeks. Lately, natututo na rin siyang ngumiti. Ilang buwan na rin nga ba kasi… simula nung mawala siya? Simula nang mamatay siya? I think it’s good that he is on the process of moving on pero hindi matatanggal ang galit ko para sa kanya.
“ Aray! Tama na! Ouch! Arrêtez, vous freak!” { Stop it, you freak!} Siguro masyado siyang nasaktan sa pagkurot ko sa pisngi niya kaya napagsalitaan niya ako ng ganoon. Hindi ko alam pero nasaktan ako hindi dahil sa sinabi niya pero sinigawan niya ako! Naramdaman kong tumulo yung luha ko at umatungal na ako ng iyak sa harap niya.
“ Ano ba!? Bakit ka ba umiiyak? Stop it! Urgggh! This is so not you. Psh!” he really looked pissed. Naiinis na siya sa akin. That thought make me cry harder. I silently cursed myself. Bakit ba nagiging emotional na ako? I cry over some little things na dati ay kinakayankayanan ko lang.
“ H-hindi k-ko r-rin a-alam! B-basta, k-kunan mo ako n-ng s-starwberries!” I blurted out. Nung una, nagulat siya. Nanghihinang napaupo siya sa upuan niya at tinignan ako. Tulala siya at parang may narealize na kung ano.
“ Hey! I said I want some strawberries!” sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Pero may kulang na naman sa ngiti niya. It’s a worried smile. Hindi kalaunan ay tumango siya na nagpatahan sa akin at nagpalakpak.
“ Yehey! I want some fresh huh? I want strawberries, apple and uhmmm… what do you call the other red? Makopa? Yeah! Gusto ko din noon! Pero dapat freshly picked ha?” sabi ko sa kanya at tumalon talon pa ako. Nagaalalang tumingin naman siya sa akin.
“ Hey! Stop that! Be careful, baka madisgrasya ka!” saway niya sa akin. Maiiyak na sana ulit ako ng itaas niya yung dalawang kamay niya sa ere at natatawang tumingin sa akin.
“ Don’t cry you brat! Sige na, bibili na ako” sabi ni JC habang nakangiti. I don’t know pero yung ngiti niya may kulang talaga eh. Para siyang nagaalalang ano. Para siyang may pinapangambahan na kung ano. Bago ako tuluyang umalis ng opisina niya, narinig ko siya tumikhim.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo