“ ANG GANDA NG REVENGE KO NOH!?”
Ilan lamang iyang mga salita na iyan ang binitawan niya pero pakiramdam ko para parin iyong punyal na isinaksak sa puso ko. Patuloy pa rin ang pag- agos ng luha ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin o iisipin niya. Basta isa lang ang tumatakbo sa isip ko, nasaktan ko siya dati kaya ngayon, ako naman yung sinasaktan niya.
“ Sabihin mo Dreame, hindi totoo ito di ba? Binibiro mo lang ako diba?” nakaluhod pa rin ako sa kanya at patuloy ko pa rin siyang niyayakap ng mahigpit. Nasasaktan na ako. Bakit kasi ngayon pa nangyayari ito? Bakit ngayon hindi ko na siya kayang pakawalan pa?
“ Wake up, you asshole! Hindi ito basta panaginip lang. Totoo ang lahat ng ito. I deceived you. I’m such a great actress” Patuloy rin siya sa pagtawa ng pagak. Naisip ko, lahat ban g ipinakita niya sa akin ay pawing katotohanan? Totoo ba lahat ng sinabi niya at ipinaramdam sa akin?
“ Bakit ginagawa mo sa akin ito, Dreame? Hindi ganyang Dreame ang kilala ko. Mas lalong hindi ganyan ang tipo ni Emerald.” Pilit niyang inaalis yung pagkakayak ap ko sa kanya. Tumayo na rin ako. Nakita kong humugot siya ng sigarilyo mula sa bag niya.
" Anong feeling ng ginawa ko sayo? Masakit ba? Kulang pa yan, Mr. Mercado!” Ano nga ba ang nararamdaman ko? Sakit at pighati. Ganitong gan ito rin siguro yung naramdaman niya dati, kaya ano pa ba ang magagawa ko. I just needed to accept her challenge.
" Tama na! Ayoko na! MAHAL KITA, MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN!?"Tumingin siya sa akin. Puno ng pagkasuklam at panunuya yung mga mata niya. Wala na si Dreame. Yung Dreame na palatawa at ginagawang biro ang lahat ng bagay. Wala na si Dreame na lagging nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. At mas lalong wala na si Emerald, si Emerald na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
" Iyak ng iyak, punyeta, parang hindi lalaki" sabi niya sabay buga ng usok sa mukha ko. Napayuko na lang ako. Tintignan ko siya sa mga mata niya. Wala akong ibang nakikita kundi galit. Galit para sa akin. Sa tingin ko, ito na yata ang oras para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko.
“ E-emerald… sabihin mo sa akin, lahat nang sinabi at ipinakita mo sa akin, totoo naman diba? Totoo lahat ng yun. Mahal mo ako. Nabubulag ka lang ng galit mo sa akin.” Para na akong batang nagmamakaawa sa kanya. Sabihin mo totoong mahal mo ako. Na totoo lahat ng iyon… please.
“ Oh come on, hindi ka ganyan ka- stupid, JC. Lahat ng ipinakita ko sa iyo ay pawang kalokohan lamang, pawang kagaguhan. It’s all part of my revenge.”
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo