“ Hiro…” kinilabutan ako sa pagtawag ko sa kanya. The way he talks to me, the way he smiles at me, the way he treats me. Ewan ko, pero simula ng malaman ko lahat ng dapat kong malaman ay naging ganito na ako. The moment I’ve heard those confessions, parang tuwing makikita ko siya parang lagi ko siyang papatayin. Is it even normal or is it just my anger?
“ Dreame, what a pleasant surprise!” he told me then nilapitan na niya ako at hinalikan sa pisngi. Ngumiti na lang ako kahit sa loob- loob ko ay sobra na akong naiinis sa kanya. Nilapag ko na yung lunch sa harap ng table niya and again I flashed my sweet yet innocent smile. Isa sa mga natutuhan ko simula ng naging si Dreame ako ay yung pagngiti kahit naiinis ka na sa taong iyon.
“ Dinalhan kita ng lunch eh!” I happily told him. I saw how his lips turned into a smile. “ Baka naman magalit si JC niyan sa akin ah.” He jokingly said. Binuksan ko na yung baunan na hawak ko at kinuha yung kutsara at tinidor. Nagsimula ko na siyang subuan. “ Did you cook this?” he asked smilingly at tumango na lang ako sa kanya.
“ I wish you were mine…” he told me. Napatigil sa ere yung pagsubo ko ng pagkain sa kanya. Bigla akong natakot sa kanya. I don’t know pero nababakasan mo kasi ng conviction at galit yung boses niya. Natatakot ako, oo.
“ S-stop that Hiro” Naramdaman ko na yung malamig na pawis ko na tumutulo mula noo ko. Naalala ko lahat ng kwento nila sa akin. Mula tangkang pagpatay niya sa akin. Mula sa mga plano niya sa amin ni JC.
“ I am dead serious here…” he again flashed his serious face to me. Nangatal ako bigla kaya binitawan ko na yung mga kutsara at tinidor. But I mentally shook my head. Matapang ako. I’m a changed person now. We can defeat Hiro, hindi dapat ako nagpapaapekto sa kanya ng ganito.
“ Hiro, stop this, may asawa akong tao!” nagagalit na ako kaya tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Naramdaman ko yung higpit ng yakap niya sa akin. “ Magagawan ko ng paraan si JC, trust me” he told me in a devilish tone. I shrug at his grip. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at nasigawan ko na siya.
“ BAKIT KA GANITO!?” I asked him, angrily.
“ I love you Dreame, can’t you see!?” I tried to wriggle from his grip. Dumapo yung kamay ko sa kanang pisngi niya. Nakita ko yung pulang bakat doon sa mukha niya. Nanatiling nakalingon yung ulo niya sa direksiyon ng pinagsampalan ka. Right there and the, Hiro just sulk and cry like a kid.
“ Bakit ba ayaw niyo lagi sa akin!? Una si Emerald, tapos ngayon, ikaw, why do JC always interferes!?” tuloy tuloy na umaagos yung luha niya. I know, deep in my heart na naawa ako bigla sa kanya pero dagli din iyong napalitan ng galit ng maalala ko yung ginawa niya sa buhay ko. I’m not a saint, marunong din naman akong magalit.
“ Please don’t leave me…” lumuhod siya sa harap ko. He looks pathetic. Para bang bata na inagawan lang ng candy. “ Kahit ngayon lang…” he told me, then I suddenly remembered our plan, to stay close to him.
A/N: Sorry for the short and lame update. I'll see to it na bibilisan ko na ang updates, sorry. Anyway, thank you sa mga sumuauporta pa rin at naghihintay. PM me for questions o sa kung anuman. 4 chapters left+ 1 epilogue
TBC. Love you guys xx
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo