Napabalikwas ako ng bangon ng makaramdam ako ng gutom. Natatandaan ko, hindi pa pala ako kumakain. Malamang itong katabi ko rin, hindi pa kumakain. Grabe! Kumakalam na yung sikmura ko, eh mukhang matagal tagal pa yung byahe. Nakita ko namang gising si JC at nakatingin siya sa isang panig ng eroplano na nakapagpalambot ng puso ko. May lalaki at babae na mukhang pinagkakatuwaan na laruin yung anak nila. Tawa naman ng tawa yung bata. I see envy from JC’s eyes. Gusto na ba niyang magkaanak? Pwede naman eh, as long as he can promise na… he’ll not hurt me again… physically and of course, emotionally.
“JC?” untag ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin at iniipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko.
“ Gutom na ako” sabi ko sa kanya. Pero… suot na naman niya ang mascara niya, his usual poker face.
“hdrbhilkhdfkh” sabi niya. Shemay! Wala akong marinig! Bingi na ba ako? HUHUHU. Paano ko pa maririnig ang salitang ‘ I love you’sakanya kung bingi na ako? Pero! Stupid me! Wala pala talagang maririnig pag mahaba yung biyahe. Psh. Lumunok ako ng ilang beses para mawala yung bara sa sistema ko.
“ Huwag ka nang kumain, 1 oras na lang din naman eh at lalapag na itong plane” sabi niya habang nakairap. NOOOOO! Gutom na ako! Nilalamon na ng large instestines ko yung little intestines ko. Tsaka, may ulcer ako eh.
“ Gutom na talaga ako JC” pagmamakaawa ko.
“ Ano ba!? Parang hindi ka pinapalamon ah!” JC hissed. Napayuko naman ako. Kanina, tumatawa lang kami, tapos naging sweet? Tapos… URGH! Gutom na ako eh.
“ Isang tempura, please” order ni JC sa dumaan na stewardess. Napabaling naman ako sa kanya at nanalalaking mata na tumingin sa kanya sabay iling ng marahas. May allergy ako sa shrimps, hindi ba niya naalala yun? Once kasi na nakakain ako ng seafood, hindi na ako makahinga. Hindi ko pa naman dala yung gamot ko. Pinapahirapan niya talaga ako? The F!
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo