Marahil dahil sa pagod at takot kanina kaya nakatulog ako. Hindi ko namalayan na napahaba na pala yung tulog ko at ito na nga ako kagigising lang, tinignan ko ang orasan sa tabi ng kama ko at laking gulat ko ng makitang 7 pm na sa Paris. Ibig sabihin pagkatapos niya akong iligtas kanina ay nakatulog ako ng halos kalahating oras? Biglang buamalik sa alaala ko ang nangyaring pangdurukot sa akin. Bigla ko na lang naibalik ang tingin ko sa daliri ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nandoon pa yung wedding ring ko. I can’t afford to lose my wedding ring. It symbolizes my love for JC, JC’S love for me.
Bigla na namang bumalik sa alaala ko yung nagyaring pagliligtas sa akin. Napangiti na lang ako. Buti na lang nailigtas niya ako. Buti na lang nasagip niya ako. Buti na lang nandoon siya para proktektahan ako. Buti na lang nandoon siya. BUTI NA LANG NANDOON SI HIRO PARA ILIGTAS AKO.
Marami siguro ang nag-aakala na si JC ang nagligtas sa akin pero mali kayo ng iniisip. Si Hiro ang nagligtas sa akin. He’s theo ne who made me feel that I’m secured and safe with his presence. Somehow I felt relieved. Bumaba ako ng hagdan at doon ko nakita si Hiro, Maxene at si JC. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang babaeng animo’y model na nakakapit na parang tuko sa asawa ko.
“ Emerald!” sigaw ni Hiro ng makita niya akong pababa ng hagdan. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang hindi na ako makakahinga.
“ Thank God, you’re safe” dagdag pa niya at niyakap na ulit ako sa sofa na nakakapit pa sa baywang ko. Naiilang man ay tinanggal ko pa rin ang mga kamay niya sa baywang ko.
“ Sorry” nakayukong sabi ni Maxene at niyakap ako. I patted her shoulder, telling that it’s not her fault. Nang tignan ko si JC, wala akong emosyon na mabasa sa kanya. Kung sabagay, dapat pa ba akong magexpect? Eh eto nga siya na may kalandian na babae. Tumikhim siya at itinuon na ang buong atensiyon sa babaeng kasama niya.
“ Chantal…Elle est Emerald Mercado, l'épouse de Hiro.” [She is Emerald Mercado, Hiro's wife.] Pagpapakilala ni JC sa babaeng kasama niya. So Chantal pala ang pangalan niya. Kaya lang ano naman ang ipinakilala niya sa akin? Nakita ko namang natigilan si Ate Maxene.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo