Naglagay lang ako ng ilang dress sa maleta ko tsaka flat shoes at heels na rin. Isinilid ko silang lahat sa isang maliit na maleta. We’ll be staying for Paris for almost a week. Iniisip ko na nga yung mga gagawin at pupuntahan namin eh. My tour would surely be perfect kung sabay naming titignan ang magandang scenery ng Eiffel Tower. It surely would be romantic. Pagtingin ko sa orasan, halos 4 am na. Ibig sabihin, we got only got 2 hours para makapunta sa airport.
Excited na akong pumunta sa airport. Sa sobrang excited ko nga kanina, nakalimutan ko yung passport ko. Isang katakot takot na sermon na naman ang natanggap ko kay JC. Basta! Walang makakasira ng trip to Paris ko. Siguro this serves as a blessing in disguise. Hindi man naging maganda ang naging birthday ko, at least makakapunta na ako sa Paris.
“ Dalian mo” utos sa akin ni JC. Sinagot ko lang siya ng isang malapad na ngiti. Basta kahit anong mangyari, good mood ako.
“ Oh, buhatin mo na itong attaché case at maleta ko” utos niya sakin at inabot yung case niya at yung maleta niya. Nako! Mabigat pa naman yun kasi puro coat yung laman, kumpara sakin na mga dress- dress lang. Pero hindi. Ngumiti lang ako at pilit na hinahabol siya. Ang layo na kasi niya eh.
“ JC! Yes, dream come true na ito. Punta tayo ng Eiffel ha? Tapos papapicture tayo!” niyugyog yugyog ko siya. Mukha naman siyang naiirita na natutuwa dahil sa inaasal ko. Para kasi akong bata na palakpak ng palakpak.
“ Para kang bata. Tumigil ka nga, business trip ang pupuntahan natin, Emerald” sabi niya pero nakita kong ngumiti siya sakin at nagiwas ng tingin. Napangiti na rin ako. This time, alam kong hindi ako namamalikmata. I know, deep in myself na napangiti ko siya. Kahit na sabihin niyang business trip lang… Nakita ko nanaman yung pasa sa mukha niya. Psh. Sayang ang feslaloo. Hindi ko natiis pero trinace ko yung pasa niya.
“ If I were you, I’d stop it” sabi niya sakin habang pinipiga yung kamay ko. Awwww, ang sakit. Napakasarap niya talagang magmahal, nakakasakit! Hahaha. Pero, good mood talaga ako promise. Shit! Para akong nakadrugs.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo