Naalimpungatan si Emerald dahil nakaramdam siya ng nagyeyelong tubig sa mukha. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Inaantok man ay pinilit pa rin niyang tumayo. Sunod- sunod na buntong hininga ang ginawa niya. Tinatanong sa sarili kung ano ba ang ginawa niyang mali, para parusahan siya ng Diyos ng ganito? Kung hind siya ako bubuhasan ng malamig na tubig, bubulyawan, at sasaktan naman niya si Emerald?
Natitigan na lamang niya ang gwapong mukha ng lalaking nasa harap. Bagamat kunot na kunot na ang noo nito ay mistulang greek god pa din ito sa paningin niya. Kaya lang, kung ano naman ang kinagwapo nito ay ito naman ang kinagaspang ng ugali nito. Mapanakit at marahas. Ito. Ito ang katangian ng taong nasa harap niya. Pero kahit ganito iyon? Mahal ni Emerald ito. Mahal na mahal.
Magaspang man ang ugali, katulong man kung ituring sa kanya, ay mahal na mahal pa rin ni Emerald ang kanyang asawa, si Jayden Cade Mercado. Napatulala na lang siya sa kagwapuhan nito. Agad siyang nagbaba ng tingin ng makitang halos nagaalboroto na ito sa galit.
“ Bakit hindi ka pa nakakaluto!?” sigaw nito sa kanya. Tinignan niya ang orasan sa tabi ng kanyang kama, halos alas siyete na din pala ng maga. Hindi niya namalayan. Napahaba ang tulog niya dahil pasado alas tres na din siya nakatulog, tinapos pa kasi niya ang report para sa araw na iyon. Halos wala pa siyang limang oras na natutulog.
“ S-sorry” tanging nasabi niya pero lalo yatang nagalit ang asawa niya sa kanya. Hinawakan siya ni JC ng mariin sa braso at sa batok na halos nasasabunutan siya nito, pero hindi siya dumaing. Sanay naman na siya eh. Para saan pa na magmakaawa ako kung hindi rin naman niya ako lulubayan?
“ Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag-sorry! Fvck, I’m going to be late on my meeting! Wala ka talagang kwentang babae ka!” asik na naman nito sa kanya at pabalyang binitawan siya. Napatama ang tuhod niya sa lamesang katabi ng kama niya. Muntik ng bumagsak ang kanyang macbook.
Umalis na ito sa kanyang harapan at sinundan na lamang niya ng tingin ang likuran nito ng padabog nitong isinara ang pinto. Napangiti na lamang siya, pero yung ngiting iyon. Puno ng pait, puno ng pasakit, puno ng lungkot.
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo