His Wife (18)

25.6K 270 19
                                    

Nagising ako sa isa na namang maliwanag at puting kwarto. This time, alam ko ng nasa ospital ako. Hindi ako makakilos. Masakit yung buong katawan ko. Hirap ko ding idinilat yung mga mata ko. Hirap din akong makapagsalita. And as usual, una ko na namang nakita si Ate Maxene. Pero namumugto ang mga mata nito. Halata kong galing sa kaiiyak. Namumula yung mga mata niya. Inilibot ko yung mga mata ko. Pero halos mahalughog ko na yung bawat sulok ng kwarto pero wala pa rin yung hinahanap ko.

“ T-tubig…” nauutal utal ko pang sabi. Nakita ko kung pano magkumahog si Ate Maxene sa pagkuha ng tubig. Feeling ko halos isang taon akong hindi nakainom. Uhaw na uhaw ako. Dali dali naman niya iyong inabot sakin at ininom ko na yun. Naubos ko na nga yung isang baso eh.

“ Emerald naman eh… Don’t do such things like that, huh? Alalang alala ako sayo, lalo na si Monica.” Napatuwid naman ako ng upo. Kahit hirap man pilit ko pa ring iayos yung composure ko. Nag-aalala daw sila. Sila Ate Maxene at Monica. Pero bakit hindi niya sinabing nag-aalala din si JC? Hindi man lang ba siya nag-aalala nung isinugod ako sa ospital? Sadness and fear were evident in my husband’s eyes. Kumirot yung sugat ko dahil sa paggalaw ko. Na-alarma naman si Ate.

“ Huwag ka munang gumalaw, Emerald. Wait, I’ll call the doctors. Gosh! Tulog ka ng halos 1 linggo!”  kahit walang emosyon yung mukha ni Ate. I know na masaya siya kasi evident yun sa boses niya. Wala man siyang ngiti, her eyes symbolizes her happiness pa rin. Tinawag na niya yung mga doctor.

“ So Mrs. Mercado, you’re doing good naman po. Kailangan lang po nating linisin yung mga sugat niyo para hindi sila mainfect. Anyway, you’re now safe from danger.” Nakangiting sabi nung doctor. Tumango na lang ako.

“ Where’s JC?” tanong ko. I have to make sure that my husband is safe. He’s my energy and I can’t live without him. Okay lang na mapahamak ako as long as hindi kami magkakahiwalay at hindi siya masasaktan.

“ It’s so omygee, Emerald. Isang linggo kang tulog and you didn’t even move. Gosh! Para kang paralyzed for the past week. Next time, kapag may babaril sa jowa mong gago, huwag mong sasaluhin, aneh? And it’s like omygee talaga kasi you’ve finished Architecture with flying colors pero you are so tatanga tanga talaga para sapuhin yung bala. Dapat pinatama mo na lang kay JC yung bala para wala ng demonyo sa planetang Earth.”

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon