His Wife (14)

32.7K 311 40
                                    

Walang makakapantay sa kaligayahan na nadarama ko ngayon. It’s been weeks. Laging sweet sakin si JC, laging nakangiti tapos he always make love to me! Hindi na din niya ako pinagsasalitaan ng masama or inaabuse physically and somehow I’m happy for it. Yung tuwa sa dibdib ko walang kapantay! Kapag nasa malapit siya, parang natatanggal yung puso ko sa katawan ko. Kung hindi nga lang dahil sa idinahilan niya dati na masisira yung pangalan daw niya, iisipin ko na baka napatawad na niya ako or better yet mahal na niya ako. Kinikilig tuloy ako. Teka nga, makaihi muna!

These past few weeks, grabe ang nangyayari sa akin. Halos ayaw ko ng pumasok sa trabaho! Lagi akong tulog! Ihi ng ihi! Tapos ang weird ng mga kinahuhumalingan at ayaw ko. Nagiging nagger na din ako. Buti nga hindi siya nabubwisit siya but instead natutuwa pa nga siya eh. Para daw akong nagseselos! Bumaba na din ako at pumunta sa kusina. Naramdaman ko naman na niyakap ako ni JC mula sa likuran.

“ Eeeew. Lumayo ka nga JC, ang baho mo” sabi ko sa kanya sabay takip ng ilong. Ang baho niya, promise. Para siyang di naligo. Nakakunot noong tumingin siya sakin at pasimpleng inamoy yung sarili. Siguro naguguluhan siya sakin kasi bagong ligo pa nga siya tapos sasabihan ko ng mabaho.

“ Nakadrugs ka ba? If you’re using one, please stop. Ang panget ng epekto sayo.” Nakangising sabi niya sakin at inakbayan ako papunta sa lamesa. Ngingiti ngiti niya akong pinaghila ng upuan. Ngingisi ngisi namang naglapag ng mga pagkain si Aling Cynthia.

“ Stop smiling JC. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo” sita ko sa kanya. What? Totoo naman. Last two weeks ko pa napapansin na ayaw kong naamoy or nakikita si JC. Parang ang panget panget niya sa paningin ko. WAAAAH! Pero asawa ko yung pinagsasabihan ko ng panget!? Anong nangyayari sa akin.

“ Nako, mga batang ito. Oh, kumain na muna kayo ng adobo” sabi ni Aling Cynthia. Hindi naman na ako pinansin ni JC at kumuha na ng pagkain. Malayo pa lang yung pagkain sa akin ayaw ko na. Hala! Eh favorite ko yan dati

“ Manang, pakiamoy nga. Ang baho eh” sabi ko kay Manang at hindi ko na napigilan yung sarili ko na pumunta sa lababo at doon sumuka ng sumuka. Biglang nangasim yung sikmura ko. Naramdaman ko naman na hinahagod ni JC yung likod ko.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon