His Wife (17)

26.4K 293 39
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Para akong bata na naliligaw. Batang naghahanap ng isang mag-kakalinga. Para akong naghahanap ng masisilungan sa isang malamig at mauling gabi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong jigsaw puzzle, hindi kumpleto. Hindi buo. Ipinanalangin ko sa Diyos na sana, kasama niya akong kinuha. Kasabay ng pagkawala nung anak ko, ang pagkawala din ng asawa ko. Mas naging malala pa siya ngayon. Kung kailan naman, mahina ang relasyon namin ni JC. Tsaka naman nagsisidatingan ang mga problema, si Tristan, si Chantal. Hindi ko nga rin alam kung ituturing ko rin bang problema si Hiro. He keeps on wooing me. Kasabay pa nun yung death threats naming mag-asawa.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Balik na naman kami sa dati. Pero naging mas malala ngayon. Kung dati, nabibilang ko pa ang mga pasa at sugat ko. Ngayon, halos takpan na nun yung buong katawan ko. Nanlalambot na humiga ako sa kama ko. Tumingin ako sa ceiling ng mga ilang minuto. Iniisip ko kung may pag-asa pa kami. Kasi kung wala na, bibitaw na ako. Gaano man kasakit. Gaano man kahirap. Titiisin ko. Kasi mahal ko siya.

Nagagalit siya sakin kasi namatay si Baby. Sayang nga at hindi man lang niya nasilayan ang mundo. Pero… nagpapasalamat na din ako sa nangyari. Oo, selfish ako. Bakit ba ako nagpapasalamat? Kasi ayaw kong mamulat siya at mamuhay siya sa isang pamilya na sira. Ayokong makita niya kung paano ako pagtiisan ni JC. Diba nga, kung wala yung bata, hindi naman siya babait sa akin? Sinisisi niya ako sa pagkawala ng anak namin. Oo nga naman, naging pabaya ako. Pero hindi naman siguro ako makukunan kung hindi siya nakipagtalik kay Chantal. Pinagtataksilan niya ako. Napabuntong hininga na lang ako at iniling ko yung ulo ko. Hindi ko dapat siya sinisisi. Lalaki siya, may pangangailangan. Pero hindi ba pwede sakin na lang? Hindi ba pwedeng… ako lang at walang Chantal? Oo… kasalanan ko nga siguro. Hindi kasalanan ni JC. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ako nakunan.

“ Hija… kumain ka na muna. Kaninang umaga ka pa hindi kumakain” sabi ni Manang Cynthia. Oo nga, I’ve lost weight. Dali dali akong bumaba. Tinignan ko yung orasan. Alas nuwebe na ng gabi, pero wala pa si JC. Nasaan na ba siya?

“ Huwag mo nang hintayin si JC, anak. Kumain ka na” sabi ni Manang pero nakita kong may luhang naglalandas sa pisngi niya. Siguro’y naawa siya sa akin. Kaawa awa nga naman ako. Hindi ko pa nga nalilinis ang pangalan ko sa pagpasok sa bar, mas lalong pang gumulo dahil namatay yung anak ko.

“ Sige po, tulog na po kayo. Hihintayin ko lang po yung asawa ko” nakangiting baling ko naman sa kanya. Tumango naman na siya. Bumuntong hininga naman ako. Hindi pa pala ako kumakain ng umagahan at tanghalian. Ilang oras ang lumipas at alas dos na ng umaga. Hindi pa rin ako kumakain. Hihintayin ko siya. Narinig ko namang bumukas yung main door namin. Napatuwid ako ng tayo at dali dali siyang sinalubong.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon