His Wife (12)

36.4K 344 68
                                    

Nagising ako ng halos mag-aalasais na ng umaga. Namumugto pa rin yung mata ko sa kakaiyak. Bakas pa rin sa mga pisngi ko ang mga luhang naglandas mula sa mga mata ko. Sinubukan kong tumayo at ipaghahanda na sana ng umagahan si JC ng maalala ko na wala na pala ako sa puder ni JC. Napapailing na lang akong pumunta ng kusina namin. Naalala ko palang wala na akong stock ng grocery sa condo ko kaya imbis na mag-umagahan ako eh mageexercise na lang ako, total mamayang 8 pa naman ang pasok ko at halos 5 minutes lang ay nasa office na ako. Saktong pagbaba ko ng elevator eh bumungad sakin yung ngiti ng isa sa receptionist, si Anna.

“ Ang ganda naman ni Mrs. Mercado. Ay, ma’am may nagpadeliver po kagabi. Tumatawag po kami sa unit niyo pero hindi kayo sumasagot” sabi sakin ni Anna at iniabot sakin yung stock ng groceries at bouquet ng flowers.

“ Kanino naman galing ito?” tanong ko kay Anna. Bumingisngis lang si Anna na animo’y teenager lang na kinikilig. At sino naman kaya ang magbibigay nito? Si Hiro kaya?

“ Ma’am, may letter naman po eh. Basahin niyo na po dali!” kinikilig pa si Anna habang sinasabi niya yan. At ganoon nga iyong ginawa ko, binuksan ko nga yung letter at literal na napanganga talaga ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko na napaupo sa isa sa mga couch at halos teary eyed na binasa yung letter.

Emerald ko,

            I know that you don’t have any grocery supplies in there, so I decided to give some for you. This will be the start of the new me. Talk to you tomorrow.

 

Love,

JC <3

 

 

 

 

 

What is this? Mygawd.? New me? New JC? Ibig bang sabihin nito… aayusin na namin yung relasyon namin? Pero… baka naman pinapaasa niya lang ako? Baka naman sa umpisa lang ito tapos sa dulo uuwi nanaman akong luhaan? Pero para saan pang nagtiis na rin ako ng limang taon? Bale wala na siguro itong sakit na nararamdaman ko. At tsaka nga, ang sabi ko, bibigyan ko pa siya ng chance? Kinikilig pa rin ako hanggang sa mag-jogging ako. Naramdaman ko na lang na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa tapat ng Manila Bay. Umupo muna ako ng ilang sandal doon at naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. Marahas na lumingon ako sa kanya.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon