His Wife (29) Her Dream

26.7K 300 27
                                    

 

Hindi ko na halos alam ang mga pinaggagagawa ko. Hindi ko na rin alam ang hitsura ko. Ang lawak at laki ng pagkakangiti ko. Lahat halos ng nadadaanan ko binabati ko at nginingitian ko. Para na akong berat dito na nakawala sa mental hospital. I feel like a fool but I love it! I like it. Parang kaya kong pasanin ang buong mundo dahil sa tuwang nararamdaman ko. Having my girl, Emerald walking in the school corridor is a dream come true. Napatingin naman siya sakin at nakita ko kung paano kumunot yung noo niya. Cute! Tch. I know gay, pero kasalanan ko bang purihin ang taong mahal ko? Okay, corny na, nakakauyam.

 

 

“ What’s wrong with you? May boyfriend na ba akong baliw?” tanong ng nakakunot na Emerald. I just shrug and laugh humorously.

 

 

“ Oo, baliw sayo” kumunot lang lalo yung noo niya at sinamaan ako ng tingin. May kung sino naman na nangbatok sakin. Tatawa tawa namang itinakbo nila Tristan at Hiro si Emerald.

 

 

“ Hoy! Ibalik niyo nga si Emerald dito! Mga letche!” sabi ko habang hinahabol sila. Iniitsa lang ni Tristan yung bag ni Emerald kay Hiro at tumakbo na sila habang buhat ni Tristan si Emerald. Tawa naman ng tawa si Emerald. Napatigil ako ng may kumirot sa bandang dibdib ko. Naiinis ako kasi hinahawakan ni Tristan si Emerald ng ganoon. Nabibwisit na ako at hindi na ako natutuwa. Ano nga bang tawag dito? Yung feeling na gusto mo ng manuntok pero hindi pwede kasi kapatid mo siya? Is this what you call… JEALOUSY?

 

 

“ You know… I like your girlfriend” nagulat ako sa sinabi ni Tristan. Seryoso siya habang sinasabi niya yun. Kahit kapatid ko siya gustong gusto ko siyang suntukin. Hello!? Nandito yung boyfriend niyang kuya mo rin!

 

 

“ Kaya gagawin ko ang lahat, mapasakin siya” napatiim bagang na lang ako sa sinabi ni Tristan. Pinagmamasdan namin si Emerald habang dinadrawing niya si Hiro na nakasandig sa isang puno. Mukhang masaya si Emerald kasama si Hiro.

 

 

“ Joke lang naman kuya! HAHA” kahit joke yung sinabi ng kapatid ko, hindi ko pa rin maiwasang mabahala. Tumango naman ako at ngumiti.

 

 

“ Emerald… pwede ba tayong pumuntang Bicol?” I asked her one afternoon. Mukha namang nasiyahan siya kasi tumango siya at ngumiti pa. Well, ilang buwan ko ding pinag-ipunan ito para lang may pamasahe kami papunta. Hapon ang flight namin at umaambon ambon pa. Bakas sa mukha niya ang tuwa. Balewala ang ilang linggo kong overtime at pagtitipid kasi worth it naman yung sayang nakikita ko sa mukha niya. Every damn artist would pay a billion para lang maipinta siya. Those smiles that makes my knees tremble.

 

 

“ Kapag may nakita kang mas mayaman sakin… anong gagawin mo?” I asked her as I held her hand and kiss it. I know the whole story of her life. She’s an orphan at never pa niyang nakikita ang parents niya.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon