Alas singko pa lang ng umaga ay bumangon na ako. Aba! Ayaw ko na yatang mabulyawan ni JC noh!? Tsaka, ang panget kasi ng panaginip ko. Naaksidente daw ako. Pero, haaay, maingat akong magdrive kaya imposible yun. Nagtoothbrush na ako at naghilamos. Bababa na sana ako ng makita kong nakaawang yung pintuan ni JC, gising na kaya siya? Pero kaaga pa ah. Tama nga yung unang hinala ko, gising nga siya. Sumilip muna ako sandal. Nakita kong hawak hawak niya yung wedding picture namin habang may kausap sa phone. Siyempre mageeavesdrop muna ako.
“ Pare, alam mong hindi ko siya kayang patawarin. Ginago niya ako eh. Nagpakasal siya sakin because of my money, not because of my love” sabi niya at nakita kong may lumabas na luha sa mga mata niya. Ganoon ba yung tingin niya sakin? Na nagpakasal ako sa kanya dahil sa pera? Pero habang tinitignan ko siya, parang kinukurot yung puso ko. Please, ako na lang yung masaktan at umiyak, huwag lang siya.
“ Ano pa bang magagawa ko? Pahihirapan siya? Hmmmm, paano ko ba siya mapapatawad?” sabi pa niya. Napatuwid ako ng tayo, paano nga ba niya ako mapapatawad? Maluha luha na ako habang tinitignan siya. Gagawin ko lahat, mapatawad niya lang ako.
“ Siguro kapag namatay na siya baka masiyahan pa ako pero--------” dali- dali akong umalis sa harap ng kwarto niya at tumakbo sa kwarto ko. Para saan pa na pakikinggan ko ang lahat ng sasabihin niya? Para masaktan ako lalo? Pero diba, sabi ko titiisin ko lahat para sa kanya? Pero bakit ganun? Nauubos din pala ang pasensiya. Gusto niya muna akong mamatay bago niya ako mapatawad? Ganoon niya pala talaga ako kinasusuklaman na dumating sa point na kailangan talagang mamatay ako.
“ Anong makakain diyan, Emerald?” tanong niya sakin. Tumingin muna ako sa kanya bago ako ngumiti ng pilit. Alam ko naman na pinakikisamahan niya lang ako kasi nagaalala siya sa sasabihin ng tao. Alam ko naman na kaya nanatili ang marriage namin kasi takot siyang masira yung pangalan niya.
“ Fried rice, bacon and eggs” walang ganang sagot ko. Nawala ako sa mood eh. Nawala na yung dating greeting ko sa kanya na ‘good morning’ o kaya yung greeting ko na ‘hi baby! Kumusta tulog mo?’. Anong sagot nanaman ang makukuha ko sa kanya? Yung sagot niyang ‘ka-aga aga nilalandi mo ako’ o yung sagot niyang ‘shut the fuck up bitch?’
BINABASA MO ANG
His Wife
Fiction généraleYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo