Hindi ko alam pero parang nawalan sa ulirat itong si tangkad girl nung sinabi kong asawa ko si JC. Kinakabahan nga ako eh. Ewan ko pero may strange feeling na bumabagabag sa akin. There’s something inside me telling that there’s something wrong. Na may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Pero iwinaksi ko na iyon sa isip ko. Baka ganito lang talaga ang mga nagbibirthday, maraming bumabagabag. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan ng office ni JC. Nakita ko siyang maraming papeles na hawak. Nakaloose na din yung tie niyat at may suot na din siyang eyeglass.
“ Ehem.” Yung si tangkad girl na yung tumikhim. Nakita ko namang nag- angat ng ulo si JC at rumehistro yung gulat, excitement at tuwa sa mukha niya nung bumaling siya sa girl.
“Maxene? Is that you?” tanong naman ni JC. Psh. Parang hangin lang ako ah, hindi nakikita? Invisible?
Dali- daling tumayo si JC at niyakap si Maxene. Naramdaman ko namang parang kumirot yung puso ko. Ito na ba yun? Ito na yung strange feeling? Hindi ba pwedeng exception naman sana yung birthday ko para hindi ako pasakitan ni JC? O nakalimutan niya talagang birthday ko?
“ Tamang- tama, Emerald and Maxene please take a seat” sabi ni JC. Parang ang hirap hirap lumabas sa bibig niya yung pangalan ko. Samantalang sa pangalan ni Maxene eh parang ang sweet sweet at ang lambing pa niya.
“ Hi. I’m Architect Maxene Mercado, nice meeting you Mrs. Mercado” sabi niya pero feeling ko namula bigla yung mukha ko? Bakit Mercado? Don’t tell me asawa din siya ni JC.
“ Yes, I am Architect Emerald Mercado. How are you related to my husband?” sabi ko naman. Eh nacucurious ako eh.
“ I’m John’s future wife, ‘coz we’re now engaged.So, this is your wife huh?” sabi ni Ate Maxene. Napayuko naman ako, nahihiya ako eh. Napagisipan ko siya ng masama, eh fiancée pala siya ni Kuya John.
“ Unfortunately” nakairap na sabi ni JC. Napababa naman balikat ko? Unfortunately? Really? Yow! Birthday ko! Pwedeng ceasefire muna?
BINABASA MO ANG
His Wife
General FictionYou are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo