Matapos na asikasuhin ni Fletcher sa ospital si Vianna ay lumabas siya.
Napahinto siya nang makita ang isang babae na nasa labas ng ospital at nakamotorsiklo pa.
Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kotse niyang nakaparada hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.
"Hey!"
Napatingin sa tinitignan niya kanina nang magsalita ito.
It's a woman. Anang isang bahagi ng isip niya.
Huminto siya at nanatili lang na nakatingin rito. Ipinasok niya rin ang isang kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon.
Hindi siya nagsalita dahil hindi niya naman ito kilala.
"Where is he?" tanong nito.
He chuckled on what she asked.
"Do I look like a lost and found station para hanapan mo ng hinahanap mo? Kung may hinahanap ka, magtanong ka sa pulis" turan niya.
Nag-umpisa na ulit siyang maglakad ngunit nanlaki ang mata niya nang humarurot ang motorsiklo nito at huminto sa harapan niya.
"What the hell?! Are you insane?" galit na turan niya rito.
Hindi ito nagsalita ngunit tinanggal nito ang suot nitong helmet.
Napalunok siya nang makita kung sino iyon.
That's the woman who pointed a gun on me a while ago. Anang isang bahagi ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...