CHAPTER 16

128 2 0
                                    

Nakayuko lang ang ulo ni Bea habang nasa harapan niya ang kapatid na si Light. Nagulat nalang siya nang nasa tapat ito ng unit niya.




"Speak" kalaunan ay turan nito.




Napakuyom siya habang nakayuko pa rin ang ulo niya.




Narinig niya ang pagbuntong hininga nito kaya napapikit siya ng mariin.




"Talaga bang hindi ka makikinig sa 'kin, Beatriz? Alam mo ang mangyayari sa oras na sundin mo ang gusto mo. Ikaw lang ang iniisip ko, hindi mo ba naiintindihan 'yon?" panimula nito.




Nag-angat na siya ng tingin rito. "Pero, Kuya—"




"Susundin mo ang gusto ko, Beatriz" may pinalidad na turan nito.




Napahigpit ang pagkakakuyom niya at muling napayuko.




Why? Why I can't decide on my own? Why? Anang isang bahagi ng isip niya.




"Simula ngayon ay hindi ka na makikipagkita pa sa lalaking 'yon. Kung ayaw mong madamay ang importante sa buhay niya ay sumunod ka sa akin" seryosong turan nito.




"Ayoko..." mahinang turan niya.




"What?"




Nag-angat siya ng tingin at kasabay n'yon ang pagtulo ng luha niya.




"Ayokong sundin ang gusto mo. Ayokong gawin kahit ano pa ang gusto mo para sa akin. Ayoko nang sumunod pa sa mga gusto niyo na hindi ko naman gusto" buong tapang na turan niya rito.




Kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito hudyat na kaunti nalang ay masasagad niya na ang pasensiya nito.




"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo, Beatriz Euphrasia Sanrattana?" walang emosyon tanong nito.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon