Tahimik lang na nakaupo si Fletcher sa isa sa mga sopa sa isang VIP room ng bar ni Krist.
"You okay?"
Napa-angat siya ng tingin at nakita si Cristine na bahagyang nakangiti sa kanya.
Umayos siya ng upo at umusog habang naupo naman ito sa tabi niya.
"Sorry kung bigla-bigla kitang kinausap" saad nito.
"It's fine. Where's Sheedz?" tanong niya rito.
"Kailangan niya kasing kausapin si Krist kaya umalis muna siya" saad nito.
Napatango-tango nalang siya. Alam kasi nila kung gaano kaprotektado si Sheedz pagdating kay Cristine.
Minsan na nga lang nila ito malambing at matawag sa endearment na tinatawag nila dito.
"Hindi pa rin kayo okay?" kalaunan ay tanong nito sa kanya.
May kanya-kanyang ginagawa ang mga kabanda nila kaya hindi ganoon kaingay ang kwarto na tinutuluyan nila.
"Sorry kung nanghihimasok ako. Baka kasi may maitulong lang ako, pero kung sa tingin mo lagpas na then okay lang sa akin" saad nito.
"Ayos lang" sagot niya habang bahagyang nakangiti. "I think we're over."
"What?" tila gulat na turan nito. "Hindi ba nagkausap kayo noong isang araw?"
Tumango siya rito. "Yeah. We did, but she wants me to flew back to Germany. If it's about that man, I can't accept it."
"Siguro hindi siya nagpaliwanag sa 'yo, 'no?" muling tanong nito na tinanguhan niya kaagad.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...