Walang ngiti sa mga labi si Bea habang inaayusan siya ng mga kasambahay.
Ngayon ang araw na makikita niya ang mapapangasawa niya at kung kaya niya lang tumakas ay ginawa niya na.
Puno ng bantay ang bawat sulok ng bahay ng magulang niya.
"Reiybrxy laew kha ledi beiy thris" It's all done, Lady Beatriz. Ani ng nag-aayos sa kanya.
"Kruna xxk pi" Please, leave. Tanging sinabi niya
Nagsiyuko ang mga ito sa kanya bago umalis ang mga ito. Napabuntong hininga siya at napatingin sa sarili niyang repleksyon sa salamin.
I'll be happy kung si Miles ang mapapangasawa ko. Anang isang bahagi ng isip niya.
Kitang-kita niya ang emosyon sa mukha niya at sa tanang buhay niya ay iyon lang ang unang beses na nakita niya ang sarili niyang ganoon.
Napaangat siya ng tingin nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Khea ma" Come in. Sagot niya.
Nakatingin lang siya sa salamin nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto niya.
"You look good."
Tuluyan siyang napatingin sa bagong dating nang marinig ang pamilyar na boses.
"Kuya Light..." mahinang bigkas niya sa pangalan nito.
"Ngayon mo daw makikilala ang mapapangasawa mo sabi ni Dad" ani nito.
Agad na nalungkot ang mukha niya dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...