Read at your own risk!
****
Namangha si Bea nang makita ang lugar kung saan sila magse-celebrate ng 7th monthsary nila ni Fletcher.
"This is amazing" hindi na niya napigilang hindi masambit.
Naramdaman niya ang pag-akbay nito sa kanya at ang paghalik nito sa noo niya.
"I knew you that you'll love it" kumpyansang turan nito.
Tumingin siya rito habang may ngiti sa labi. "This is the best, Miles."
Ngumiti ito at mabilis na nilapatan ng halik ang labi niya.
"Let's go" anyaya nito sa kanya na tinanguhan niya naman.
Nasa isa silang resort at walang kahit na sino ang naroon. Tila ba silang dalawa lang ang nasa resort na iyon.
Inalalayan siya nito papasok sa isang open kubo na mayroong mga maninipis na kurtina sa bawat sulok.
Sa gitna ay ang lamesa na gawa rin sa kawayan at may nakahanda na roong wine glass.
"Thank you" ani niya nang paunahin siya nitong paupuan bago ito.
Magkatapat silang dalawa at natutuwa siya sa surpresa nito.
May dumating na dalawag waiter at inilapag ang pagkain sa harapan nilang dalawa na kapwa nakatakip. Nang buksan ng mga ito iyon ay natuwa siya.
It's a seafood. Anang isang bahagi ng isip niya.
Hindi niya batid na nakatingin sa kanya si Fletcher habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...