Napabuntong hininga si Fletcher habang nakasandal sa isang sopa.
"Hindi pa rin kayo nagkakaayos?"
Napatingin siya kay Vianna na siyang nagsalita. Kasalukuyan kasi siyang nasa bahay nito.
Muli siyang napabuntong hininga at tumango.
"Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nagpunta rin ako sa unit niya pero hindi niya 'ko pinagbubuksan ng pinto" saad niya.
Ito naman ang napabuntong hininga. "Pasensiya ka na kung wala akong maitulong."
Umiling siya rito. "It's fine. It's between us afterall."
Napatingin sila sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa n'yon ang kanyang kakambal na si Miles.
"Nandito ka nanaman?" ani nito.
"Buti nga nagpupunta ako, eh" ani niya naman.
Umismid lang ito bago tinungo ang kinaroroonan ni Vianna at mabilis itong hinalikan sa labi.
"Hayaan mo nang bumisita rito si Fletcher. Parang hindi ka naman masaya kapag nandito ang kakambal mo" ani Vianna na tila nanunukso.
Muling umismid ang kapatid niya bago naupo sa tabi ni Vianna. "Ako? Mamimiss 'yang lalaking 'yan? No way."
Siya naman ang umismid rito. "As if na gusto kitang makita. Si Vianna ang ipinunta ko rito hindi ikaw."
"You—"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang titigan ito ng masama ni Vianna na siyang kinatawa.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...