CHAPTER 23

105 2 0
                                    

Read at your own risk!

****


Hindi pa rin makapaniwala si Bea habang nakatayo pa rin kung saan siya natigilan.




"Are you going home now, esposa?" nakangiting tanong sa kanya ni Fletcher.




Nakasandal ito sa nakasaradong pinto ng sasakyan nito at tila mukhang kanina pa siya hinihintay.




"Miles..." naibulong niya nalang sa hangin dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya.




How did he know this place? Tanong na nabuo sa kanyang isip.




Tuluyan siyang gumalaw at naglakad palapit rito. Nakangiti pa rin ito at para bang napakasaya nito.




Mukha siyang masaya. May nangyari kayang maganda kanina rito? Anang isang bahagi ng isip niya.




"Pa'no mo nalaman ang lugar na 'to? Alam mo ba ang pwedeng mangyari kung nakita ka nila dito. They can assume that you are a spy" turan niya rito nang makalapit rito.




Nanatili lang ang ngiti sa labi nito at inakbayan siya saka mabilis na nilapatan ng halik ang labi niya.




Aaminin niya na nakakaramdam siya ng kilig sa tuwing hahalikan siya nito na tila ba siya lang ang babaeng gagawan nito ng ganoon.




"My brother told me about this place and I already asked Divine. As a boyfriend, it's my job to pick you up" dahilan nito.




Napabuntong hininga siya at may itinuro sa hindi kalayuan sa kanila.




"Then what will happen to my car?" tanong niya rito.




"Pwede naman kitang ihatid at sunduin. Pabor pa sa akin 'yon" ani nito.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon