CHAPTER 20

143 3 0
                                    

Malaki ang ngiti ni Bea habang nakatingin sa isang body mirror na nasa kwarto niya.




Sa mga nakalipas na lingo ay ngayon palang nito gagawin ang unang date nila. Parehas kasi sila naging busy sa kanya-kanya nilang trabaho.




It feels like I'm in cloud 9. Anang isang bahagi ng isip niya habang nakangiti.




Napatingin siya sa pinto nang marinig ang doorbell ng unit niya. Lumabas siya sa kwarto niya at mabilis na nagtungo sa pinto.




"Miles..." agad na turan niya habang binubuksan ang pinto.




Nakangiti ito sa kanya kaya napangiti din siya. Hindi niya alam pero tuwing nakikita niya ito ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti.




Para bang nawawala ang pagpapanggap niyang mataray kapag ito ang kasama niya.




"Handa ka na ba sa date natin?" tanong nito sa kanya.




Namula siya dahil hindi niya pa rin akalain na magagawa nitong mapasok ang buhay niya.




Ngumiti siya ng malaki rito. "Yeah."




Sabay nilang nilisan ang unit niya at pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng sasakyan nito nang makarating sila roon.




"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong niya rito nang umandar na ang sasakyan.




"Well, my parents want to see you" turan nito.




Natigilan siya dahil sa sinabi nito.




"Your parents?" tanong niya rito para makasigurado kung tama ang dinig niya.




Tumango ito habang nakatingin pa rin sa kalsada. "Yeah. They really like you, you know."

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon