Napabalikwas ng bangon si Bea mula sa pagkakatulog niya.
Napapikit siya at napahawak nalang sa noo niya habang hinahabol ang paghinga niya.
"That dream again" mahinang turan niya sa sarili.
Tumingin siya sa orasan at mag-alas-sais na ng umaga kaya napili na niyang kumilos.
Mabilis lang ang mga naging paggalaw niya at mabilis din naman siyang nakarating sa headquarter ng Fonta Organise.
"You're here."
Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa likuran niya.
"Oh! Z, ang aga mo ata?" tanging nasabi niya.
Bahagya itong ngumiti at lumapit sa kanya. "Well, Ms. Div told me to be here as early as possible."
Nangunot ang noo niya at nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Why?" nagtatakang tanong niya rito.
"We have a serious mission next week and we badly need to prepare and discuss something" sagot nito sa kanya.
Napatango nalang siya hanggang sa sumulpot si Jack sa harapan nila.
"Good morning, Ate Bea, Kuya Z" bati nito sa kanila.
"Morning" sagot nilang dalawa rito.
"I gotta go" paalam ni Zero sa kanila habang tumango naman siya.
"Ate Bea..."
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...