CHAPTER 8

156 4 0
                                    

Hindi na malaman ni Bea ang gagawin niya habang inaakay si Fletcher kahit na kaya pa naman nitong makapaglakad.




"Careful..." turan niya nang papasok na ito sa pinto.




Siya na mismo ang nagsarado ng pinto ng apartment nito at muli itong inalalayan paupo sa sopa.





"Where's your first aid kit?" tanong niya rito.




"On the bathroom. Go on the left side and the first door is the bathroom" sagot nito.




Hindi na siya nagsalita pa at tinungo ang banyo ng apartment nito.




Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil na rin sa pagturo nito.




Wala pang minuto nang makabalik siya sa sala at nakita niya itong nakasandal habang nakapikit ang mg mata at malalalim ang bawat paghinga.




"Fletcher..." pagtawag niya rito.




Nakahinga siya ng maluwag nang bahagya nitong imulat ang mga mata nito.




Mabilis ang bawat pagkilos niya.




"Let me take off your shirt" turan niya.




Hawak na niya ang laylayan ng suot nitong long sleeve at hindi naman ito nagreklamo kung hindi tanggalin ang suot nito.




"You can just cut my shirt. There's a scissor in my first aid kit" turan nito nang matanggal na niya ang pang-itaas nito. "Just tell me if you want to see my body."




Agad na namula ang mga pisngi niya dahil sa sinabi nito.




Narinig niya ang marahang pagtawa nito pero binalewala niya iyon para tuluyang magamot na ang sugat nito.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon