CHAPTER 17

133 2 0
                                    

"Ready ka na?"




Tumango si Bea kay Michael. Dahil sa wala ang mag-asawa nuong reception dahil sa nangyari sa ama ni Vianna ay napagpasyahan nila na magdaos ulit.




Suot ang isang blue couture evening gown ay lumabas siya sa isa sa mga guest room ng bahay nila Michael.




"It's perfect to you" puna ni Vianna sa kanya.




Napangiti siya. "Thank you."




Nakaayos na rin ang mga ito maging si Giovanni na siyang anak ng dalawa.




Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang tagpo sa pagitan ni Fletcher at kapatid niya.




Wala naman ibang nagaganap na hindi maganda kaya mas lalo siyang kinakabahan.




"My brother will be here in a minute. Sa kanya ka naman sasabay, 'di ba?" ani nito.




Tumango siya rito. "Yeah."




Ngumiti lang ito bago sila sabay-sabay na bumaba.




Naupo lang siya sa pahabang sopa habang naghihintay. Ilang saglit lang ay narinig nila ang ugong ng sasakyan ni Fletcher.




"He's here" anunsyo ni Michael na siyang galing sa garden.




Tumayo siya nang bumukas ang pinto at nagtaka siya nang tumigil ito sa paglalakad. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi ito taasan ng kilay.




"Mukha kang tanga d'yan" saad niya.




Napakurap-kurap naman ito bago ngumiti at lumapit sa kanya.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon