Huminga muna ng malalim si Bea bago siya nagsalita.
"Galit ka ba sa 'kin dahil hindi ko sinasabi sa 'yo ang mga bagay na tungkol sa akin?" pang-unang tanong niya rito.
Nagbuntong hininga ito saka hinawakan ang dalawa niyang kamay bago naupo sa tabi gilid ng kamay at marahang hinahaplos ang likod ng palad niya.
"I respect you, Bea. Alam ko na naging biglaan ang relasyon natin pero nirerespeto ko lahat ng desisyon mo. Gusto ko lang na maging open ka sa akin. May karapatan din akong malaman ang tungkol sa 'yo para alam ko kung hanggang saan lang ang pwede kong gawin" litanya nito.
"I'm sorry, Miles" paghingi niya ng tawad rito habang nagbabadya na ang luha sa mga mata niya.
"Shh!" ani nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. "May karapatan ka ding humindi, esposa. It's your right to keep a secret from me especially if you think that it's the right thing to do."
"Miles..." bigkas nito sa pangalan niya.
Nilapatan niya ng halik ang labi nito at ngumiti rito nang maghiwalay ang labi nila.
"Magkarelasyon man tayong dalawa but it doesn't mean that you will tell me everything. We still have boundaries for each other. Sabihin mo lang sa 'kin ang mga bagay na kaya mong sabihin. Kuntento na 'ko sa bagay na 'yon" ani nito.
Mabilis nitong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya kaya huminga siya ng malalim bago ito hinarap na may kumpyansa na sa sarili.
"Remember how I treated you whenever you're telling me how you feel about me?" tanong niya rito.
"Yeah. I can't forget how you treated me, esposa, even if it's bad or good" ani nito habang nakangiti.
Ngumiti rin siya rito. "I came to a very influential family, Miles. My brother and I are strictly not allowed to do whatever we want. That time, natatakot akong masangkot ka sa gulo ng buhay ko. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa taong tinatanggap ako ng buo.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...