Unti-unting iminulat ni Bea ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kama.
Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa kanyang bibig habang nakatingin sa kisame.
"It happened. Again" turan niya sa mahinang boses.
Bumangon siya at muling napabuntong hininga.
Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mga mata at napatingin nalang sa luha na ngayon ay nasa daliri niya.
"What a waste" ani niya sa malamig na boses.
Handa na sana siyang bumangon nang bigla niyang marinig ang pagtunog ng cellphone niya.
Kinuha niya iyon upang malaman kung sino ang tumatawag.
Nang makita niya kung sino iyon ay mabilis niya iyong ibinalik sa kung saan iyon nakalagay.
Sa pagkawala ng ring ay isang voice message ang narinig niya.
"You better pick up my call, Euphrasia."
Napapikit nalang siya nang marinig ang itinawag nito sa kanya.
Nang muling marinig ang pag-ring ng cellphone niya ay sinagot na niya iyon.
"Don't ever call me in my second name, Vittawin. What do you want?" tanong niya at pinagdiinan pa ang pangalawang pangalan nito.
It was her eldest brother, Light Vittawin Sanrattana.
"You call me by my second name, so it's technically fair" sagot nito.
Napakuyom nalang siya ng marinig ang seryoso nitong boses.
Her brother doesn't know how to smile.
Para bang nang magpaulan ng kasimangutan ay nasalo nito lahat.
She can't even blame him for acting like that.
"What do you want?" pag-uulit niya nalang ng tanong.
Alam niya naman kasing hindi siya mananalo rito.
"Mom wants you to-"
"I won't do it" pagputol niya sa sinasabi nito.
Alam niyang may papagawa na naman ang ina nila sa kanya.
"Beatriz Euphrasia..."
Napalunok siya nang banggitin nito ang pangalan niya sa malamig na paraan.
Ramdam niya ang panginginig ng mga paa niya kaya pinili niyang maupo sa gilid ng kama niya.
Napapikit siya habang nakakuyom ang mga kamay niya.
"I'm sorry..." turan niya sa mahinang boses.
"There's a man who will fetch you. You know what to do, Beatriz. Do it if you don't want mom to get mad at you" turan nito sa maawtoridad na boses.
Napakagat siya ng labi at pinipigilan na maglabas ng isang hikbi.
"Oka-"
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...