Tahimik na nakaupo lang si Bea sa sopa na nasa isang kwarto ng headquarters ng Fonta Organise.
"Hey!"
Napalingon siya sa kanan nang may marinig na magsalita.
"Z..." bigkas niya sa palayaw ng tumawag sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang misyon ngayon?" pagtatanong nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya at napasandal nalang habang nakakrus ang mga braso at hita niya.
"I was about to leave pero sabi ni Ms. Div na ibinigay niya muna kay Michael 'yung misyon" litanya niya.
"Bakit daw?" nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
Saglit siyang napatahimik hanggang sa magpasya siyang magsalita.
"They're going to meet the 3 supreme of Asia" kalaunan ay sagot niya.
"Oh!" tanging nasabi nito.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang nagbabalak na magsalita lalo na siya.
"Isa doon ang kapatid mo sa kikitain nila, tama ba?" kalaunan ay turan nito.
Napabuga siya ng malalim na hininga nang marinig ang sinabi nito.
"Yeah" tanging sagot niya.
Ito naman ang narinig niyang napabuga ng malalim na hininga.
"Wala pa rin kayong balak na mag-usap?" muling pagtatanong nito.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...