Pinagmamasdan lang ni Fletcher si Bea habang nakikipag-usap pa rin ito sa lalaking pinakilala nito sa kanya.
“Fletcher…”
Hindi siya kumibo nang tawagin siya nito.
Tinignan lang siya nito kaya nagbuntong hininga siya at lumapit rito.
“What?” bored na tanong niya rito.
Agad na kumunot ang noo nito sa naging akto niya.
Humarap ito sa kanina pa nitong kausap at matapos ay umalis iyon kaya silang dalawa nalang ang naiwan.
Pinagkrus nito ang mga braso nito at humarap sa kanya.
“Anong problema mo?”
Kumunot ang noo niya. “Problema? Wala akong problema, Bea.”
Mas tumalim ang tingin nito sa kanya. “I’m not believing you.”
“I’m not telling you to believe me” sagot niya.
“Just tell me what’s your freaking problem” asik nito.
Kitang-kita niya na napupuno na ito sa kanya.
Napabuga siya ng hangin at sinalubong ang tingin nito.
“Look, I don’t have a problem, okay? Ikaw lang sa ating dalawa ang nag-iisip na meron” turan niya.
Lumapit ito sa kanya kaya ilang inches nalang ang layo ng katawan at mukha nila sa isa’t-isa.
“You can’t fool me, Fletcher. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Kitang-kita naman sa mukha mo na may problema ka, eh” litanya nito.
Pagak siyang napatawa. “So, you’re watching me, huh?”
“No, I’m not.”
“Yes, you are” mabilis na sagot niya. “Hindi mo masasabi na alam mo kung kailan ako nagsisinungaling o hindi kung hindi mo ‘ko pinagmamasdan.”
“Magkaiba ang pinagmamasdan sa inoobserbahan” giit nito.
“But you show it like you’re interested to me” giit niya naman.
Agad na nagsalubong ang kilay nito. “Paano naman napunta kung interesado ako sa ‘yo o hindi sa usapan natin?”
“You started it” saad niya.
“I just asked you because you are too obvious. Ayokong maapektuhan ang trabaho ko sa personal issue ko” litanya nito.
Inilapit niya ang mukha niya rito habang nakangisi.
“So, I became your personal issue?”
Hindi ito nagsalita ngunit ilang saglit lang ay napasigaw siya nang apakan nito ang paa niya.
“Ang hangin-hangin mo” saad nito at iniwan siyang mag-isa.
Impit pa rin siyang napapa-ungol dahil sa sakit na ginawa nito.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...