Malaki ang ngiti sa labi ni Fletcher habang tinatahak ang daan patungo sa restaurant ng isa niyang kaibigan.
Nang makarating roon at makapasok sa loob niyon ay nakita niya kaagad ito na kinakausap ang isa sa mga tao nito.
He’s busy as always. Anang isang bahagi ng isip niya.
Naghanap siya ng mapupuwestuhan at nang makahanap ay naupo siya roon.
Walang lumalapit na mga waiter sa kanya dahil alam ng mga ito na laging si Sean ang pumupunta sa kanya.
“Hey!”
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Sean.
“Hey!” balik salita niya rito.
Naupo ito sa isa pang silya na pinapalooban ng napili niyang pwestuhan.
“I already asked the chef to prepare your usual meal” turan niya.
“Thanks” sagot niya.
“By the way, do you know someone named Bea?”
Nangunot ang noo niya sa binanggit nitong pangalan.
“Yes. I do” puno pa rin ng pagtataka na sagot niya rito.
Napatango-tango lang ito sa kanya kaya lalo siyang nagtaka.
Gusto niya itong tanungin kaso baka mag-usisa pa ito sa kanya.
Sakto namang dating ng pagkain na lagi niyang inoorder sa restaurant nito.
Hindi na siya nagtaka pa ng magpadala rin ito ng para rito.
“What will you do now since you are no longer a royal guard?” kalaunan ay tanong hindi sa gitna ng kanilang pagkain.
“Well, I think I should live in Philippines after my job is done here” turan niya.
“Isn’t she said that you don’t need to follow her anymore?” nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
“Who said she was the one I’m following there?” bulong niya sa hangin.
“May sinasabi ka?”
“Nothing” sagot niya na sinamahan pa ng pag-iling.
“Anyway, you better make a happy life in the Philippines” turan nito.
“I know. May nakuha na rin akong condo na matutuluyan ko. Nakapagpaalam na rin ako kay mama about sa bagay na ‘yan” sagot niya rito.
Napatangu-tango nalang ito kaya ipinagpatuloy nila ang pagkain.
Sa mga sandaling iyon ay hindi siya mapakali. Gusto niya itong tanungin.
“Tanungin mo na ‘ko.”
“Huh?” turan niya nang bigla itong magsalita.
Bahagya itong tumawa at tumingin sa kanya.
“I’m not naive, Fletcher. I know na may gusto kang itanong sa akin regarding sa babaeng binanggit ko” saad nito.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...